_ngayon
^

Mga Pinoy nagwagi sa pagpapaganda!

(Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa kabila nang maraming malulungkot na pangyayari sa ating bansa na bumabandera sa mga babasahin at telebisyon (lindol, baha, sunog, at giyera) may magagandang kaganapan na dapat nating ipagdiwang.

Sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado alas- nuwebe ng umaga ay tampok ang mga Pinoy na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Mula Kuala Lumpur, Malaysia ay nag-uwi ng tatlong tropeo ang mga delegado ng Pilipinas sa mga kategoryang sinalihan nila sa Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologist Association 13th Hair Olympics. Basta sa larangan ng pagpapaganda, wagi ang Pinoy!

Pararangalan din ang dalawang Independent film (Indie) na umani ng tagumpay sa international film festival gaya ng Alagwa kung saan nagwagi ng Best Actor si Jericho Rosales at Palitan kung saan naman nagkamit ng Best Actress si Mara Lopez. 

Tampok din ang cheer-dance champion sa katatapos na UAAP Games. Sa interbyu ni Mader Ricky sa mga miyembro ng National University (NU) ay malalaman natin ang hirap, pagsisikap at disiplinang pinagdaanan ng mga kabataang lalake’t babae para iuwi ang karangalan.

Siyempre, wagi rin si Chef Mel Martinez na tuwing Sabado’y nagtuturo ng pagluluto ng mga masasarap at masustansiyang putahe sa Cooking with Bunso.

Tutok lang lagi sa  GRR TNT na umeere sa GMA News TV at prodyus ng ScriptoVision.

                                           

ASIA PACIFIC HAIRDRESSERS AND COSMETOLOGIST ASSOCIATION BEST ACTOR BEST ACTRESS CHEF MEL MARTINEZ HAIR OLYMPICS JERICHO ROSALES MADER RICKY MARA LOPEZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with