Wally balik-trabaho na, Mark idinenay na nakikipaglandian kay Andrea Torres

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2013 - 12:00am

PIK: Pang-Halloween na ang mapapanood sa One Day Isang Araw sa Sabado tungkol sa Ang Kuba ng Kalye Trese na gagampanan ni Lilia Cuntapay.

Pero ang nakaraang episode na Secret ni Millette na tinatampukan nina Marian Rivera at Paolo Pingol (ang batang may down syndrome) ay napansin pala ng National Council on Disability Affairs.

Dahil sa magandang pag-handle ng kuwento tungkol sa taong may down syndrome, pinag-iisipan daw nilang kunin sina Marian at Paolo na maging Ambassador para sa Person with Disabilities.

PAK: Itinatanggi ni Mark Herras ang kuwentong nililigawan niya si Andrea Torres. Hindi raw talaga totoo, kahit may mga nagsasabing naglalandian daw sila sa Viber.

Focused daw muna si Mark sa bagong show nila ni Jennylyn Mercado na Madame X. Kaya lang hindi pa rin natuloy nag story conference nila ngayon, dahil mukhang hindi pa handa si Jennylyn.

BOOM : Totoo kayang sa December na raw ang balik ni Wally Bayola sa Eat Bulaga?

Marami na ang nagtanong sa taping ng Celebrity Bluff at hindi naman daw kinumpirma, pero baka sa December daw ay babalik na ito sa naturang game show.            

Ibig sabihin balik-Eat Bulaga na rin siya.

Marami na raw kasing nagtatanong kung makakabalik pa ito, at sinasabi naman daw ng mga Dabarkads na makakabalik.

 Ang latest na narinig namin, naka-schedule na raw sa December, pero ayaw pang kumpirmahin na mga taga-Eat Bulaga.

Pero ayon sa aming source, sa Eat Bulaga naman daw una lalabas si Wally at doon daw siya magsasalita kapag ready na ito at puwede na talaga.

 

 

 

ANDREA TORRES ANG KUBA CELEBRITY BLUFF DAW DISABILITY AFFAIRS EAT BULAGA JENNYLYN MERCADO KALYE TRESE LILIA CUNTAPAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with