Yam Concepcion bagong GF daw ni Luis Manzano?!
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Mabilis ang denial ng Kapamilya actress na si Yam Concepcion sa balitang siya ang bagong nililigawan ni Luis Manzano after nitong makipag-split kay Jennylyn Mercado.

Bihira raw silang magkita so paano raw mangyayari na siya ang suspek na bagong girlfriend ng actor-TV host. “I guess luis is just really friendly pero i dont think ako yung bago. Haha :),” sagot niya nang i-text ko kahapon.

“Di ko alam kung na-meet ko na siya before pero he messaged me on facebook tapos nag guest kami sa min to win at dun kami una ata nagkita personally. Pero wala namang malisya yun. Friendly lang talaga siya :)
“Hahahaha ok. Pero i don’t think ako yun reason kasi bihira naman kami mag communicate. :),” dagdag ni Yam na maganda ang takbo ng career. Katatapos lang niya sa Dugong Buhay

May bago rin siyang endorsement para sa isang alak. Pero next year pa raw ‘yun lalabas pero pasabog daw ‘yun. Tapos kasama rin siya sa movie nina Heart Evangelista at Tom Rodriguez na next year pa rin ipalalabas at pasok siya sa filmfest entry ng Viva Films na Boy Girl Bakla Tomboy starring Vice Ganda and Maricel Soriano.

Kuntento si Yam sa takbo ng career niya. Hindi siya nawawalan ng trabaho, maganda ang feedback sa kanya ng mga manonood lalo na sa Dugong Buhay.

Wala pang follow up ang Dugong Buhay pero may ilan na raw pina-plano.

Cristine, Andi at Alice magpapatalbugan sa paseksihan

Mukhang mas matindi pa sa A Secret Affair ang bagong pelikula ng Viva Films na When the Love is Gone starring Cristine Reyes, Gabby Concepcion, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, and Alice Dixon and  directed by Andoy Ranay.

Sa trailer pa lang, pasabog na ang dialogue at still photos ng mga bida.

Based ang When the Love is Gone sa Filipino film classic na Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi (The Moon Got Mad at the Long Night) na pelikula ng batikan  na si Danny Zalciata.

Patalbugan  ang tatlong bida na sina Cristine, Andi, and Alice na pag ipinalalabas sa mga sinehan ang trailer ay nagre-react ang mga nanonood. Lalo na doon sa dialogue ni Alice na : “Nandiyan ba ang asawa ko, na asawa mo, na asawa ng buong bayan?”

Meron pang : “Football player ka ba? Sinipa ko na, hinahabol-habol mo pa.”

May dialogue naman si Andi na : “Wag ka dito kumain. Dun ka sa eat-all-you-can, palibhasa mukha ka namang masibang tao, hindi makuntento sa isang ulam lang.”

Enrique, nangakong itotodo ang paggiling sa araneta

Ready nang magpasiklab ang Dougie King ng Pilipinas na si Enrique Gil sa kanyang pinaka-aabangang concert sa Smart-Araneta Coliseum ngayong Nobyembre na may titulong ‘King of the Gil.’

“Gagawin ko ang lahat para mapatayo kayo, mapasayaw at mag-enjoy sa gabing ‘yon. Siguradong tuturuan ko kayong mag-dougie at ng maraming, marami pang iba,’’ pangako ni Enrique kaugnay ng kanyang upcoming show na hatid ng Star Events at ABS-CBN.

Mas pakikislapin ang King of the Gil concert dahil makakasama ni Enrique  ang mga kaibigan niya sa showbiz na sina Vice Ganda, Angel Locsin, Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Rico Blanco, Gloc9, Young JV, Arjo Atayde, Ejay Falcon, at Aaron Villaflor. Makikihataw rin sa kanya sa dance floor ang  Muling Buksan Ang Puso  leading lady na si Julia Montes.

Paliliyabin din nang todo ni Enrique ang Big Dome sa astig na hataw at galaw ng dalawa sa pinakamahusay na dance group ng bansa, ang Streeboys at G-Force.

  Mabibili na ang tickets sa Ticketnet outlets at sa Ticketnet.com.ph.

A SECRET AFFAIR AARON VILLAFLOR ANDI DUGONG BUHAY ENRIQUE KING OF THE GIL PERO VIVA FILMS WHEN THE LOVE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with