^

PSN Showbiz

Dennis ’di mai-deny na sabit sa hiwalayan nina Luis at Jennylyn

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Bakit ba hindi mai-deny ni Dennis Trillo na siya ang dahilan ng hiwalayan nila nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado?

Ang dali lang naman ng tanong sa kanya. Siya ba o hindi?

Naku, dapat magsalita na ang aktor kung hindi talaga siya. O kung siya naman, walang masama kung aamin siya.

Joey Paras tinutulungan nina AiAi, Vice, at Eugene

Napakasuwerte naman talaga ng bagong bida sa pelikula na si Joey Paras. Hindi lamang siya binigyan ng launching vehicle ng Viva, ang Bekikang, na nasa direksiyon ni Wenn V. Deramas, tatlong malala­king ar­tis­ta ang sabay-sabay na tumu­tulong para sa promos­yon ng kanyang movie, sina AiAi delas Alas, Eugene Domingo, at Vice Ganda. Ang tatlong artista ay si Direk Wenn din ang gumawa ng kanilang launching vehicles. Kumbaga, magkakapatid sila sa kuwadra ng director na comedy ang forte pero nagdidirek din ng fantasy sa TV, ang Galema, Anak ni Zuma.

Ganyan nga ang magkakapatid na kahit walang magkaparehong dugo na nananalaytay sa kanilang mga ugat ay nagtutulungan na parang iisang pamilya. Napakasuwerte talaga ni Joey. Pero sabi nga ni Veronica Samio ay hindi lamang suwerte ang puhunan ng gay comedian kundi talento rin.

Minor na dyowa ni Ka Freddie ambisyosa?

May ambisyon nga kayang mag-artista ang batang-batang girlfriend ni Ka Freddie Aguilar? Marami ang ayaw maniwalang hindi lamang ang damdamin nila para sa isa’t isa ang nag-uugnay sa kanila ng pamosong singer kundi ang napakagandang pagkakataon na baka mag-landing siya sa showbiz. Puwede, hindi ba?

Pero sana naman talagang mahal niya ang karelasyon niya. At sana mapa­ngatawanan niya ang relasyon nila dahil hindi siya kundi si Ka Freddie ang nalalagay sa alanganin.

Mga tumitira kay Regine hindi inaako ni Sarah

Hindi inaangkin ni Sarah Geronimo na tagahanga niya ang bumabanat kay Regine Velasquez sa Internet.

Kung sabagay, sa respeto na ibinibigay ni Sarah kay Songbird, walang maniniwala na papayagan niya ang kahit isa man lamang sa kanyang mga tagahanga na bas­tusin ang Asia’s Songbird. Hindi ganun si Sarah, noh?!

 

DENNIS TRILLO

DIREK WENN

EUGENE DOMINGO

JENNYLYN MERCADO

JOEY PARAS

KA FREDDIE

KA FREDDIE AGUILAR

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with