Jennylyn at Luis kailangan pa ng panahon!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2013 - 12:00am

Hindi ikatutuwa ni Dennis Trillo ang sitsit na third party siya sa naganap na paghihiwalay nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Magdiriwang sana ng kanilang second anniversary ang magdyowa at nakatakdang pumunta ng Japan kasama ang buong pamilya ni Luis pero hindi na ito mangyayari dahil naghiwalay na nga ang dalawa.

Bagama’t wala pang pahayag tungkol dito sina Luis at Jennylyn na hinihintay ng lahat na itanggi ang pagkakasangkot ni Dennis Trillo sa kanilang gusot, na bago si Luis ay nakarelasyon ni Jennylyn, parehong nangangailangan ng panahon ang dalawa para matanggap ang naging kaganapan sa kanilang relasyon.

Mabuti na lamang at pareho silang abala sa kanilang mga trabaho, wala silang panahon para simulan ang paggamot ng sugat ng kanilang puso. Sa ngayon, ang tanging magagawa nila is to lick their wounds in private.

Jacky Woo makikipag-produce sa Korean filmmakers para sa pelikulang Pinoy

Mahal talaga ni Jacky Woo ang mga Pinoy at ang ating bansa. Kapag wala itong ginagawa, palagi itong nasa ’Pinas at gumagawa ng trabaho na makakatulong sa marami nating kababayan sa industriya ng pelikula. Mga Pinoy ang mga artistang lumalabas sa Death March, isang movie na pinrodyus niya at isinali sa 18th Busan International Film Festival (BIFF) na ginanap sa South Korea kamakailan. Ang BIFF ay katumbas ng Cannes Film Festival sa Asya.

May gagawin na namang co-prod ang Japanese actor/director kasama ang Korean filmmakers at siguradong may mga makakasama sa cast na mga artistang Pilipino. Ganun katiwa­la sa kakayahan ng mga Pinoy ang Hapones.

Shaina ipinagdarasal na ’wag munang ma-in love

Kung may mga tao, lalo na babae, na zero ang lovelife, idinaraan nila sa pagdarasal ang pagkakaroon ng karelasyon. Si Shaina Magdayao, nagdarasal din pero hindi para makahanap ng bagong pag-ibig o makakita kaya ng lalaking muli niyang mamahalin. Ipinagdarasal niya na sana ay huwag muna siyang ma-in love ngayon, na huwag munang dumating ang lalaking magpapatibok muli ng kanyang puso.

“Kare-recover ko pa lang from a major heartbreak. Hindi madali ang naging healing process ko pero sa pamamagitan ng pagdarasal ay gumaling ako. Ngayon pa lamang ako nakakahinga ng maa­yos. Mabait naman si Lord dahil kapalit ng heartache ay ang sunud-sunod na magagandang pro­jects na nakatulong para mapadali ang paggamot ng sugat ng puso ko. Masaya naman ako na walang karelas­yon. Magandang feeling na nakapagtatrabaho ako ng masaya at hindi na apektado ng nangyari sa buhay ko.

“Kaya sana, huwag muna akong ma-in love. Huwag muna siyang dumating. Whether I like it or not, kapag dumating na ang itinakda para sa akin, hindi ko naman ito mapipigilan. Kaya dinaraan ko na lamang sa pagdarasal na huwag muna kaming magkita. Saka na,” sabi ng aktres na hindi pa man natatapos ang seryeng Juan dela Cruz ay kasama na naman sa isa pang family teleserye na tatampukan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta for an early 2014 release.

 

BUSAN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL CANNES FILM FESTIVAL DAWN ZULUETA DEATH MARCH DENNIS TRILLO JACKY WOO LUIS PINOY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with