Gov. Vilma sasanayin na naman ang sarili sa bagong ipakikilala ni Luis
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2013 - 12:00am

Ano kaya ang dahilan ng sinasabing breakup nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado? Na­katagal naman sila ng dalawang taon ’tapos hindi pa nila itinuluy-tuloy?

Ako, nanghihinayang sa relationship nila. I’m sure pati si Gov. Vilma Santos masosorpresa sa turn of events sa kanila. Tanggap pa naman nitong manugang ang aktres. 

Ngayon, kailangang sanayin na naman ni Vi ang sarili na matanggap ang susunod na ipakikilala sa kanya ni Luis.

Kris mahihirapang tumanggi na kuning ring bearer si Bimby

May magagawa ba naman si Kris Aquino kapag ginusto ni James Yap na gawing ring bearer sa kasal nito ang anak na si James, Jr. o Bimby? May karapatan naman ito sa bata at ang pag-participate nito sa wedding ay magbibigay ng saya at color sa affair.

Hindi, hindi naman siguro tatanggi si Kris. Kapag umayaw siya ay bibigyan ito ng ibang kahulugan ng tao. Baka sabihin pang she’s still carrying a torch for her ex.

Willie masisira ang amor propio kapag nag-produce sa sarili

Makabalik nga kaya si Willie Revillame sa Dos? Mabuti kung mangyayari ito. Marami ang makaka-miss kapag wala siyang show na lalabasan.

I’m sure maski si Willie ay mami-miss ang paglabas ng regular sa TV. Kahit marami siyang pera, iba’ yung nagtatrabaho siya ng regular. Ayaw naman sigu­ro niyang siya ang magprodyus ng sarili niyang show. Makakasira ito ng amor propio niya. Siyempre naman, may narating na siya, maski siya ay hindi matatanggap na wala nang gagasta na magprodyus para sa kanya.

Tina pinaiiral pa ang pride sa ina

Huwag na kayong mag-away, Daisy Romualdez at Tina Paner. Huwag na kayong bumalik sa panahong hindi kayo nag-uusap. Lampas na kayo sa puntong ito.

Ikaw Tina, huwag mo nang pamayanihin ang pride, sa iyo na manggaling ang pagbabati n’yo. Hindi ka tatanggihan ni Daisy, mahal na mahal ka niya. By this time, alam mo na ito. Kaya go ahead, break the ice.

BIMBY DAISY ROMUALDEZ HUWAG IKAW TINA JAMES YAP JENNYLYN MERCADO KRIS AQUINO LUIS MANZANO NAMAN
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with