Hiwalayang Luis at Jennylyn hindi na shocking
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2013 - 12:00am

In all fairness to me, hindi ako na-shock sa ba­lita na hiwalay na sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano pero interesado pa rin ako na malaman ang tunay na dahilan ng kanilang split up.

Nakakapanghinayang na humantong din sa hiwalayan ang relasyon nila. Bagay na bagay pa naman sina Jennylyn at Luis. Aminin din natin na good influence din si Luis sa kanyang ex-girlfriend.

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa hiwalayan portion ng dalawa at ang diumano’y pakiusap ni Luis na  gusto nila ni Jennylyn na maging pribado ang lahat.

Marami akong puwedeng tanungin tungkol sa paghihiwalay nila kaya malalaman ko rin ang puno’t-dulo  na ibabahagi ko sa inyo.

Sarah blooming kay Matteo?!

Tanggap ko na ang katotohanan na malabo nang magkabalikan sina Sarah Geronimo at Ge­rald Anderson pero boto ako sa kanilang love team. Hindi ko pinagsasawaan na panoorin ang pelikula na pinagsamahan nila.

Si Matteo Guidicelli na ang mhin na nali-link ngayon kay Sarah na blooming nang makita ko kahapon sa presscon ng kanyang upcoming major concert sa Smarta Araneta Coliseum, ang Perfect 10 at repeat nito sa November 30 sa MOA naman.

Gusto ko nang maniwala na may relasyon na sina Matteo at Sarah base sa mga sagot ng aking favorite singer-actress.

Paiwas ang mga sagot ni Sarah sa mga question sa kanya na madaling sagutin ng oo o hindi kaya kumbinsido ako na in love siya ngayon at posibleng si Matteo nga ang kanyang bagong inspirasyon, kahit idine-deny ng kanilang mga kampo.

Makahulugan ang sinabi ni Sarah na lalabas din naman ang katotohanan at sa ngayon, gusto muna niya na maging private ang lahat.

Very Luis Manzano ang statement ni Sarah!

My husband’s huling gabi na

Magpapaalam na ngayong gabi sa TV ang My Husband’s Lover, ang bekiserye ng GMA 7 na lumikha ng ingay at ipinagbunyi ng mga bading at tomboy.

I’m sure, marami ang mag-aabang sa pagtatapos ng My Husband’s Lover dahil gusto nilang malaman kung magkakabalikan pa sina Vince at Lally.

May special participation sa last episode ng My Husband’s Lover si Ryan Agoncillo na puwede rin na maging bagong karelasyon ni Lally.

Mahirap nang mapantayan ang kuwento ng My Husband’s Lover dahil palaging ikukumpara rito ang mga teleserye na tatalakay uli tungkol sa kabadi­ngan.

Happy ang Kapuso Network dahil nagtagum­pay ang kanilang bekiserye na pinagtaasan noon ng kilay dahil sa kakaibang kuwento at mapa­ngahas na eksena.

Aktor blangko ang mukha,walang koneksiyon sa leading-lady!

Nadismaya ako nang mapanood ko sa isang TV show ang aktor na nagpakitang-gilas sa pag-arte sa kanyang unang teleserye.

May karapatan ako na ma-disappoint dahil walang kabuhay-buhay ang acting ng aktor.  Blangko ang kanyang mukha at wala silang koneksiyon ng leading lady niya.

Walang kabuhay-buhay ang aktor. Parang affected pa rin siya ng pang-iiwan sa kanya ng girlfriend niya. Ang aktor ang dapat sisihin sa nangyari dahil nalunod siya sa isang basong tubig. Nagbago ang  ugali niya  dahil pumasok sa utak  ang mga papuri sa kanya ng mga echoserang frog na nowhere in sight  dahil nawalan na rin sila ng tiwala sa aktor na dating sinasamba nila.

DAHIL JENNYLYN JENNYLYN MERCADO KAPUSO NETWORK LUIS LUIS MANZANO MATTEO MY HUSBAND
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with