Kapatid na bakla ni Megan inggit na inggit sa kanyang ate, Genesis ni Dingdong may halong pulitika!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2013 - 12:00am

PIK : Nilinaw ni Dingdong Dantes na hindi political ang bagong drama series niyang Genesis. Ito ay kuwento ng pagmamahal sa bansa, sa pamilya, at kung paano maipaglaban ang mga mahal sa buhay.

Gagampanan niya ang role ng isang PSG na naka-focus sa pagbigay proteksiyon sa Vice President ng bansa, na bandang huli ay bibigyan na niyang proteksiyon ang pangulo ng bansa na gagampanan ni Lorna Tolentino.

“Purely fiction lang ito na siyempre mananaig pa rin ang kabutihan at all times. We have just to show some instances of corruption para makita nila na hindi talaga sila maganda,” paliwanag ng aktor.

Sa Lunes  na magsisimula ang Genesis sa GMA Telebabad.

PAK: Ramdam na ang Megan Mania sa pagdating ng Ms. World 2013 Megan Young ngayong araw.

Isa sa very vocal na inggit na inggit kay Megan ay ang kapatid nitong beki na si Victor Young.

Nung sumama nga ito sa Indonesia para suportahan si Megan, bukod daw sa aligaga siya sa pagsuporta sa kanyang ate, pinagkaabalahan daw nitong magpa-picture sa Mr. World 2012 na si Francisco Escobar ng Colombia.

Out na out na bading itong si Victor na tinanong noon ng Startalk kung ano ang naramdaman niya sa pagkapanalo ni Megan. Sinabi niya talagang inggit na inggit siya sa pagiging beauty queen ng kanyang ate. Pero siya ang isa sa pinakamasaya at suportado niya si Megan lalo na’t dala nito ang malaking res­ponsibilidad bilang Ms. World 2013, the beauty with the purpose.

BOOM: Medyo maselan nga raw ngayon ang kalagayan ni Geneva Cruz na nagdadalangtao sa kasalukuyan niyang Fil-Aussie boyfriend na si Lee Paulsen.

Si Sunshine Cruz ang isa sa nag-aalala kay Geneva at ipinagdarasal niyang mabuo ng kanyang pinsan ang pagbubuntis. Kaya naka-bedrest lang ito para hindi ito makunan.

“Si Gen kasi medyo maselan magbuntis kaya nga before naaalis ang baby nila ni KC. Sana maging strong siya,” pahayag ng aktres sa press launch ng bago niyang ini-endorse na Ever Bilena.

DINGDONG DANTES EVER BILENA FRANCISCO ESCOBAR GENEVA CRUZ LEE PAULSEN LORNA TOLENTINO MEGAN MEGAN MANIA MEGAN YOUNG MS. WORLD
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with