John Lloyd bumiyahe sa isla para mamigay ng kumot at gamot
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dinayo pala ni John Lloyd Cruz kasama ang mga volunteers mula sa Biogesic, ang liblib na isla ng Sagay sa Negros Occidental. Ang naturang isla ay isa raw sa mga kinakalinga ng Yellow Boat of Hope Foundation, isang non-government organization na naglalayong tulungan ang mga komunidad kung saan ang mga kabataang mag-aaral ay tumatawid pa ng dagat, lawa o ilog para lang makapasok sa paaralan. Sa pamamagitan ng kanilang Yellow Boat Project na nagsimula sa Zamboanga City, nabibiyayaan ang mga komunidad sa iba’t ibang sulok ng bansa ng mga matitibay na banka (yellow boats) para ligtas na makapasok ang mga batang mag-aaral sa kanilang paaralan. Ngayon, hindi lang pala banka ang hatid ng nasabing foundation sa mga barangay na tinutulungan nila kundi maging pangangailangang para sa paaralan at pang-medikal, kasama na rin ang mga livelihood projects.

Nakipagtulungan ang Biogesic sa Yellow Boat Foundation upang marating at makilala ang mahigit 600 families ng isla upang maipadama ang pagmamalasakit ng aktor at ng Biogesic sa kanila. Sila ay namigay ng mga thermal blankets at gamot sa mga residente.

Nakihalubilo si John Lloyd sa mga taga-Sagay at sa kanyang pakikipag-usap sa kanila, nalaman niya kung anong klaseng hirap at takot ang nararamdaman ng mga estudyante at maging ng kanilang mga magulang sa tuwing lumalangoy sila para makapasok sa paaralan. Kaya naman labis na nagpasalamat ang mga Sagayanon kay John Lloyd dahil sa pagbisita nito sa kanilang lugar.

“Mahaba ang binyahe namin para makarating sa isla ng Sagay pero lahat ng pagod ay nawala nang maramdaman namin ang mainit na pagsalubong sa amin ng mga tao,” sabi ng aktor. “Ang sarap ng pakiramdam na bukod sa nakapagdala ka ng tulong sa kapwa mo, naramdaman mo rin yung sayang nararamdaman nila. Damang dama ko talaga ang kanilang taos pusong pasasalamat sa amin at lalo akong na-inspire na tumulong pa sa mga katulad nila.”

 â€œNagpapasalamat ako sa Biogesic dahil bukod sa kanilang pagtitiwala sa akin para maging imahe ng kanilang produkto, binigyan din nila ako ng pagkakataong makatulong sa mga taong lubos na nangangailangan,” pahayag ni John Lloyd.

“Utang ko sa mga tao kung anuman ang mayroon ako ngayon dahil walang John Llyod Cruz kung hindi nila ako sinuportahan mula noon hanggang ngayon. Sana ay mabigyan pa ako ng maraming pagkakataon nang sa ganoon ay may maibahagi pa ako sa mga tao lalung lalo na sa mga higit na nangangailangan,” dagdag ng aktor.

Sa mga susunod na buwan, lilibutin ng Biogesic team at ni John Lloyd ang iba pang mga komunidad sa Luzon, Visayas at Mindanao na tinutulungan ng Yellow Boat of Hope Foundation para ipaabot sa kanila ang ‘Ingat na Damang Dama.’

Wala pang masyadong ginagawa si John Lloyd sa kasalukuyan.

Jericho walang tigil sa Alagwa

Ang sipag-sipag mag-promote ni Jericho Rosales ng Alagwa na nagsimulang ipalabas sa SM Cinemas kahapon.

Hindi lang siya sa TV shows naglilibot, active na active rin siya sa social media.

Nag-tour na sa iba’t ibang international filmfest ang pelikula na ang Star Cinema ang nag-released.

Tungkol sa human trafficking ang Alagwa at todo suporta ang US government sa pamamagitan ni Ambassador Harry Thomas na nagpa-private screenings pa ng dalawang beses sa kanyang tirahan sa bansa.

Naiintindihan ng Ambassador ng Amerika sa bansa na Pinay ang mapapanga­sawa ang problema ng human trafficking.

Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikula kaya tiyak na maganda ito.

 

 

 

 

ALAGWA AMBASSADOR HARRY THOMAS BIOGESIC CINEMA EVALUATION BOARD DAMANG DAMA JOHN LLOYD SAGAY YELLOW BOAT OF HOPE FOUNDATION
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with