^

Para makumpirma kung nagdo-droga, doktor ni Claudine tumestigo!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2013 - 12:00am

Madaling ma-confirm kung talagang drug user si Claudine Barretto. Binanggit ni Gretchen Barretto sa statement nito ang name ng doktor na nag-advise sa kanyang mga magulang na ipasok si Claudine sa rehabilitation center.

Ang doktor na pinangalanan ni Gretchen ang makakapagpatunay kung talagang may bisyo si Claudine o sinisiraan lamang ito ng kanyang mister na si Raymart Santiago.

Napapagod na sila sa isyu na pinag-aawayan ng mga Barretto, ang say ng mga great pretender pero sila ang nangunguna sa pagsubaybay sa mga bagong development sa walang katapusan na away ng Barretto family with the special participation of Raymart. Ganyan ka-ipokrito ang mga Pinoy na kiyeme-kiyemeng nagsasawa na sa never-ending controversy na kinasasangkutan ng Barretto sisters.

LT wala nang urungan sa pagpi-presidente

Sa Oct. 14 at hindi na sa Oct. 7 ang pilot telecast ng Genesis, ang bagong teleserye ng GMA 7.

Wala nang urungan ang airing sa Oct. 14 ng Genesis dahil naka-post na ito sa Instagram ni President Sandra Sebastian aka Lorna Tolentino. Presidente ng Pilipinas ang role ni LT sa science-fiction teleserye ng GMA 7.

Sarah hands on na hands on na sa kanyang career

Ibang klase talaga ang aking favorite singer-actress na si Sarah Geronimo. Hindi pa nangyayari ang Perfect 10, ang major concert niya sa Smart Araneta Coliseum sa Nov. 15, may repeat agad ito sa Nov. 30. Ganyan ka-in demand ang tickets para sa 10th year anniversary concert ni Sarah.

Nagpasya si Boss Vic del Rosario na magkaroon ng repeat ang Perfect 10 dahil halos sold out na ang tickets pero imbes na sa Big Dome, ang SM Mall of Asia Arena ang susunod na venue para malapit naman si Sarah sa mga tagahanga niya na nakatira sa southern area.

Beterano na si Boss Vic sa pagpo-produce ng mga concert kaya alam niya na ang tickets para sa patron section ang unang mauubos sa Nov. 15 concert ni Sarah.

Hands on na hands on si Sarah sa Perfect 10. Siya ang personal na pumili sa mga kanta, stage design, at gowns na gagamitin niya. Ginagawa ni Sarah ang lahat para maging memorable ang pagdiriwang sa kanyang 10th anniversary sa showbusiness.

Naka-focus ang atensiyon ni Sarah sa kanyang concert kaya limitado ang kanyang TV appearances. Next year na lamang uli siya gagawa ng pelikula.

Nag-promise si Boss Vic na exceptional and unusual ang Perfect 10 bilang pasasalamat ni Sarah sa fans na naging loyal sa kanya.

Mas malaki at bongga ang production value ng Perfect 10 compared sa kanyang concert noong 2012, ang 24 S/G.

Magsisimula sa Oct. 6 ang pagbebenta ng tickets para sa Nov. 30 concert. Sa mga gustong manood ng Perfect 10 sa Nov. 15, available pa ang tickets sa lower at upper box sections.

Mabibili ang tickets ng Perfect 10 sa SM Tickets, TicketNet, at Viva Concerts. Sa mga interesado na bumili, tumawag at mag-inquire sa telephone numbers 911-5555, 470-2222, at 687-7236.

Ibinalita naman ng Viva Records bosses na platinum na ang Expressions, ang bagong album ni Sarah na inilabas sa mga music store, two weeks ago.

Take note, si Sarah ang line producer ng album na may 11 songs. Tinutukan din ni Sarah ang Expressions habang binubuo ito bilang first time niya na maging line producer ng sariling album.

Si Sarah ang coach ni Klarisse de Guzman sa The Voice of the Philippines. Marami ang umasa na si Klarisse ang mananalo dahil mahusay ang mentor nito at crystal clear ang tunog ng kanyang boses.

Timing na timing ang pagtatapos ng The Voice of the Philippines noong Linggo dahil wala nang conflict sa rehearsals niya para sa concert niya sa Big Dome.

                  

 

BARRETTO BIG DOME BOSS VIC CLAUDINE CONCERT KANYANG SARAH VOICE OF THE PHILIPPINES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with