_ngayon
^

Willie namamahinga na, inunahan ang pag-goodbye ng programa

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2013 - 12:00am

Bakit naman parang biglang tinalikdan ni Willie Revillame ang kanyang pantanghaling programa sa TV5? Buti na lang, may isang Randy Santiago na humahalili sa kanya, pero nasaan nga ba siya. Kung kailan pa malapit nang mamaalam ang programa niya at saka naman siya wala. 

Kris sweet kay Daniel kahit may foreigner na ka-text

Ewan ko kung bakit binibigyan ng kulay ng marami ang pagiging malapit ni Kris Aquino kay Daniel Matsunaga eh ganito naman siya sa mga lalaking guest niya sa kanyang prog­rama, pwera na lang kung kasama nila ang girlfriends nila. It’s as if gustong i-justify ng lahat na may bigat ‘yung sinasabi nilang pagkagiliw ng TV host sa Brazilian Japanese. Sa halip, hindi na itinatanggi ni Kris na May texter/caller siya na foreigner na nagbibigay sigla ngayon sa buhay niya. At ayaw niya itong pag-usapan dahil baka maunsyami pa ang inaasahan niyang pagiging close nila.

Nikki hindi totoong naka-move on

Kung totoong naka-move on na si Nikki Gil sa nangyari sa kanila ni Billy Crawford eh bakit hindi niya ito matanggap na kaibigan? At bakit sa haging ng mga salita niya ay parang may pinalalabas siyang third party sa naging hiwalayan nila? Meron ba, sino?

Ang pinakamagandang indikasyon ng recovery nila ay ‘yung maging friends sila, kapag nahaharap mo na ng walang alinlangan ang ex mo, ‘yun ang sensyales na magaling ka na.

BAKIT BILLY CRAWFORD BRAZILIAN JAPANESE BUTI DANIEL MATSUNAGA KRIS AQUINO NIKKI GIL RANDY SANTIAGO WILLIE REVILLAME
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with