^

PSN Showbiz

Eskandalo ng aktres sa Internet trinabahong mabura

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nasangkot noon sa malaking eskandalo ang aktres pero nabura sa Internet ang mga balita tungkol sa kanyang nakaraan. Ano kaya ang ginawa ng aktres?

At least, tahimik na ang kanyang pamumuhay. Hitsurang maghapon at magdamag na nag-research sa Internet ang detractors ng aktres, wala na silang impormasyon na makukuha dahil burado na.

Ang tsismis, may mga kinausap ang aktres para magbura sa cyberspace ng mga negative news tungkol sa kanya. Kung totoo man ang tsismis, nagtagumpay ang aktres dahil ang linis-linis na ngayon ng image niya. Wala na ang mga impormasyon tungkol sa eskandalo na gumulantang noon sa mundo ng showbiz at pulitika.

Alex walang takot sa Babagwa

Ngayon ang first day sa mga sinehan ng Babagwa, ang indie movie ng Quantum Films tungkol sa mga scam na nangyayari sa Facebook.

      Maraming sexy scenes sa Babagwa dahil parehong walang takot na maghubad sina Alex Medina at Chanel Latorre. Importante sa kuwento ng pelikula ang kanilang mga frontal nudity scene na nabigyan noon ng X ra­ting. Panoorin n’yo na lang ang Babagwa para malaman ninyo kung paano nakalusot ang mga sexy scene. Nakalusot nga ba?

Starring din sa Babagwa si Alma Concepcion na matagal din na nagpahinga sa paggawa ng pelikula. Tinanggap ni Alma ang Babagwa dahil maganda ang kanyang role. Hindi puwedeng sabihin ang twist sa kuwento ng pelikula or else malalaman ng mga tao ang surprise at unpredictable ending.

Ang Babagwa ang isa sa mga indie movie na pinilahan sa 9th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Tumatanggap na uli ng mga entry para sa Cine­malaya 2014 at noong Sept. 13 ang deadline. Ang sabi ng source, dumagsa sa Cultural Center of the Philippines noong Biyernes ang mga nag-submit ng kanilang mga script para sa Director’s Showcase at New Breed Section. Ganyan na ka-popular sa filmmakers ang Cinemalaya.

Sa totoo lang, mas magaganda naman talaga ang mga pelikula na kasali sa Cinemalaya dahil salang-sala ito ng mga hurado.

Singer-actor lolo na, hindi puwedeng i-deny

Hindi ako nagulat nang malaman ko na totoo ang balita na may apo na ang singer-actor dahil mga da­laga na ang kanyang anak.

Hindi kasi matanggap ng fans ng singer-actor na lolo na ang kanilang idol. Forty plus na ang edad ng singer-actor pero bagets looking pa rin.

Natsismis na noon na buntis ang anak ng singer-actor at malapit na ito na maging lolo. Idinenay ng kampo niya ang tsismis pero hindi na puwedeng pabulaanan ang balita dahil mismong ang asawa ng singer-actor ang naglabas ng pictures ng bata.

Dennis at Alden aligaga sa kanilang katawan

Ang pagpapaganda ng kanilang mga katawan ang inaatupag ngayon nina Dennis Trillo at Alden Richards dahil rarampa sila sa Cosmo Bash na magaganap sa Sept. 24 sa World Trade Center sa Pasay City.

Advantage kay Alden ang pagtatapos ng Mundo Mo’y Akin dahil may oras na siya para pumunta sa gym. It’s a must na gumanda ang porma ng kanyang katawan or else makakarinig siya ng mga salita na mapapakla at mula sa mga tao na favorite vegetable ang ampalaya.

Hindi hirap si Dennis sa pagpapapayat dahil marunong siya na mag-alaga sa kanyang katawan. Bukod sa regular na pagbisita sa gym, Southbeach diet ang isang sikreto ng magandang pangangatawan ng aktor.

                                          

ALDEN RICHARDS

ALEX MEDINA

ALMA CONCEPCION

ANG BABAGWA

BABAGWA

CHANEL LATORRE

DAHIL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with