_ngayon
^

Erik Santos sasabak na sa hubaran!

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2013 - 12:00am

Sasabak na rin sa hubaran si Erik Santos? Okay lang kung sa pelikula pero balita sa kanyang concert niya ito gagawin. Kailangan ba niya itong gawin? It seems to me na parang desperate move ito eh hindi pa naman siya laos at kinukupasan ng boses.

Sana maging bahagi ito ng tema ng kanyang pagtatanghal at hindi ga­gawin just to sell his concert.

Indie film hinahabol na ng mainstream

Magaganda raw ’yung entry sa Sineng Pambansa: All Masters Edition. Nanghihinayang nga ako dahil walang wala talaga akong oras. Parang napaka-busy ko naman but I will surely find time dahil mahilig din ako sa magagandang sine, lalo’t lokal.

Sana lang the mainstream people ay huwag ding magpahuli at laging gumawa ng magagandang proyekto, para hindi sila mapag-iwanan ng indie film industry.           

Truth triumphs

Galit na galit si Veronica Samio nang makita ko nung isang araw. Kagagaling daw niya sa isang pakikipagtalo sa isang kasamahan sa Philippine Movie Press Club (PMPC) na inaakusahan siyang inilalakad para maiboto ang alaga kong si Jake Vargas. At binig­yan ko raw ito ng pera para mangampanya.

Matagal ko nang friend si Vero pero never pa itong nang-abuso sa akin, pera man o ibang bagay. At never naming pinag-usapan ang anu­mang bagay na may kinalaman sa Star Awards at baka hindi pa kami nagsisimula ay bokya na ako agad.

But then, malisyoso ang maraming tao. Hindi marahil maniniwala na untainted ang friend ko dahil sa mundong ito ay mas maraming bad kaysa good. Sabi ko na lang huwag naming pag-aksayahan ng panahon ang masasamang tao at ang gawain nila.

Ipagpasa-Diyos na lang niya. Sasandali lamang naman mamayani ang masasama. At the end of the day, truth triumphs. Pagbabayaran din nila ang kasalanan nila.

ALL MASTERS EDITION ERIK SANTOS JAKE VARGAS PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB SANA SINENG PAMBANSA STAR AWARDS VERONICA SAMIO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with