_ngayon
^

Jake at Bea pinagbintangang nameke

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2013 - 12:00am

Hindi fake ’yung pagkakaroon ng relasyon nina Jake Vargas at Bea Binene pero totoong nag-break na sila. Baka na-realize lamang nila na what they thought was love ay hindi pala. Ako ba papayagan silang mandaya ng tao?

Kung wala eh ‘di wala pero hindi puwedeng dayain para lamang sa kapakanan ng love team. Masama naman ’yun.

Richard balik-showbiz na

Kung totoong nasa TV 5 na si Richard Gutierrez, eh ‘di mabuti. At least may career na naman siya. For a while kasi akala ng marami ay tinamad na ito, ayaw ng mag-artista.

Pero I heard nagi-guest lamang siya sa show ng kakambal niya. Pero sana totoo nga na magiging active na siya. Kahit saan, kahit ‘di sa GMA, basta ang importante, magre-resume siya ng kanyang career.

Derek at Cristine transparent

I’m sure ’di n’yo napanood ’yung magkasabay na paglabas nina Cristine Reyes at Derek Ramsay sa TV habang ini-interview sa The Buzz. Sayang ’di ninyo nakita ’yung glow sa mga mata ng dalawang bagong magkarelasyon na akala mo ay bago pa lamang nai-in love.

Very transparent sila sa kanilang emosyon and very much in love. Ang galing naman nila kung napepeke nila ang relasyon nila. Pero ako sigurado na hindi papayagan ’yun ni Derek. Prove me wrong. I dare you!

BEA BINENE CRISTINE CRISTINE REYES DEREK DEREK RAMSAY JAKE VARGAS PERO PERO I RICHARD GUTIERREZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with