Gov. Vilma ‘nililigawan’ na ni P-Noy sa pagka-bise?
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2013 - 12:00am

Maituturing na isang malaking papuri para kay Gobernador Vilma Santos-Recto ng Batangas na mapili siya para tumakbong bise presidente sa susunod na national elections sa 2016. Patunay lamang ito ng magandang performance na ginagawa niya ngayon para sa kanyang probinsiya. Mismong si Presidente Noynoy Aquino raw ang nanliligaw sa masipag na pulitiko para pumayag na maka-tandem ni DILG Secretary Mar Roxas.

Wala pang personal na alok kay Gob. Vi ang palasyo kaya wala itong maibigay din na pahayag sa isyu mal­i­ban na lamang sa pagsasabing ipag­papatuloy na lamang niya ang kan­yang serbisyo sa kanyang mga kap­wa Batangueño at ipamamahala na lamang sa tadhana ang kanyang kapalaran sa pulitika.

Nora umaangat sa pagka-aktres

Kung si Gob. Vi ay patuloy sa kanyang pag-angat bilang isang pulitiko ganun din naman ang kanyang archrival bilang aktres na si Nora Aunor. Kapapanalo lamang nito bilang best actress, muli, para sa pinagsamahan nilang movie ni Direk Brillante Mendoza na Thy Womb. Ang award ay napanalunan ng Superstar sa 3rd Sakhalin International Film Festival sa Russia. Pang-apat na best actress ito ni Nora mula sa international filmfests na sinalihan ng pelikula.

BATANGAS DIREK BRILLANTE MENDOZA NORA NORA AUNOR PRESIDENTE NOYNOY AQUINO SAKHALIN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL SECRETARY MAR ROXAS THY WOMB
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with