Mark Bautista abala sa pagbi-bake ng pastries
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2013 - 12:00am

Magkaklase pala sina Ara Mina at Mark Bautista sa isang baking school. Ang baking ang latest passion ni Mark na tiyak na marami ang magiging mga kostumer kapag naging certified baker na siya.

Ginugutom ang followers ni Mark sa mga litrato ng pastries na kanyang ginagawa at inilalagay sa Instagram account niya. Nagtatanong na nga sila kung may plano si Mark na magbukas ng bakeshop na pupuntahan at tatangkilikin nila.

Ara ginagawang taga-tikim ang bf

Mahusay nang mag-bake ng cookies at pastries si Ara Mina. Alam ko ang sinasabi ko dahil natikman ko na ang cookies na ipinadala niya noon sa Startalk.

Going strong ang relasyon ni Ara at ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. Ang sabi ni Ara sa isang interview, may sweet tooth ang kanyang boyfriend at ito ang unang tumitikim sa mga produkto niya. Tumatanggap si Ara ng mga order mula sa kanyang close friends na gustung-gusto ang mga recipe niya.

Isabel at John magka-holding handS habang nasa treadmill

Kinaiinggitan ang relasyon nina Isabel Oli at John Prats dahil sa mga picture nila na umaapir sa social media. Marami ang nainggit sa dalawa dahil sa kanilang holding hands photo habang nasa treadmill ng isang gym. May mga nag-react na kahit anong sweetness nila, mag-aaway din sila. Inggit much?

Sa mga hindi ma-take ang sweetness at PDA nina Isabel at John, hayaan n’yo na lang sila na maging masaya ’no?! Nakikiusyoso na nga lang kayo sa litrato, may mga komento pa kayo.

Steven Silva ka-level na nina Chito at Wally sa picture, may hawak na nipple?!

Katsipan naman ang isyu na pagkatapos nina Chito Miranda at Wally Bayola, si Steven Silva ang may bagong scandal dahil sa kumakalat na picture niya sa social media.

Sando ang suot ni Steven sa litrato at hawak niya ang nipple habang nakatingin sa kanyang cell phone. Hawak lang ang nipple, scandal na agad? Ang cheap ng isyu ha?!

Dingdong naki-Alay Lakad kay Gov. Vi

Nagkasama kahapon sina Dingdong Dantes at Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa Alay Lakad na ginanap sa Batangas City.

Maagang bumiyahe si Dingdong sa Batangas para makasali sa walk for a cause na sinalihan din ni Mama Vi. Tuwang-tuwa ang mga Batangueño dahil nakita nila sa personal ang kanilang favorite actor na palaging may oras para sa mga project na makatutulong sa bayan at sa ating mga kababayan.

Walang kontrata: Rufa Mae puwede sa GMA at TV5

Hindi ang Ang Huling Henya ang huling pelikula ni Rufa Mae Quinto dahil may movie project siya na hindi pa naipala­labas sa mga sinehan.

Magkakaroon din si Rufa Mae ng bagong TV show sa TV5, kahit may regular show siya sa GMA 7, ang Bubble Gang. Enjoying the best of both worlds ang drama ni Rufa Mae dahil nakakatawid siya sa mga TV station.

Pagkukulong kay Tom sa kampo hindi pasado sa mga kababayan sa Amerika

Pati ang mga kababayan natin sa Amerika na sumusubaybay sa My Husband’s Lover, nag-react na rin sa mga episode ng kanilang favorite teleserye.

Ang sabi ng isang kausap ko na US-based, hindi niya type ang twist na dinala ni Armando (Roi Vinzon) sa military camp ang kanyang anak na si Vince (Tom Rodriguez) para gumaling ang kaba­dingan nito.

Wondering ang mga kababayan natin sa Amerika dahil hindi nila inaasahan ang ganoong mga klase ng eksena na hindi pasado sa kanilang mga panglasa. Ang feeling nila, lumalaylay ang mga eksena ng My Husband’s Lover dahil nagiging imposible na ang kuwento.

ALAY LAKAD AMERIKA ARA MINA DAHIL MY HUSBAND RUFA MAE STEVEN SILVA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with