Wally hindi makalabas ng bahay, sex scandal kasama ang EB babe patok na patok!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - September 4, 2013 - 12:00am

PIK: Umalis patungong Amsterdam ang grupo ng pelikulang 10,000 Hours na pinagbibidahan ni Robin Padilla nung nakaraang Sabado.

Kasama ni Robin si Bela Padilla at ilan pang stars na kabilang sa pelikula at ang kontrobersiyal na producer nitong si Neil Arce.

Sampung araw daw sila doon para kunan ang ilang mahahalagang eksena ng pelikula na dinidirek ni Joyce Bernal.

Panay naman ang post ni Robin sa kanyang Instagram account ng mga kinukunan nila sa naturang bansa.

Si Neil naman ay ayaw nang patulan pa ang isyung bugbugan sa reporter na si Joey Sarmiento.

Pinag-ayos na pala silang dalawa pero kinabukasan ay binawi ni Joey ang pakikipagbati kay Neil at itutuloy pa rin daw niya ang kasong isasampa.

Haharapin naman daw ito ni Neil dahil meron din siyang ikakaso laban kay Joey.

PAK: Totoo kayang sa La Mesa Dam daw nakuha nina Michael V at Ryan Agoncillo ang dengue?

Kuwento ng kanilang kaibigan, doon daw sila nagba-biking kasama ang ilang kaibigan na nagka-dengue rin.

Kaya hindi raw nila nakuha sa Broadway na kung saan sila nag-i-Eat Bulaga, dahil hindi naman nagka-dengue doon ang ilang host at staff.

Pero maingat na sila ngayon at kahit nakipag-miting ay balut na balot si Michael V sa takot na makagat ng lamok.

Totoo bang naka-schedule na rin ang meeting ni Ryan sa GMA 7, kaya lang nagpapagaling pa raw ito ngayon?

Namataan ang manager niyang si Noel Ferrer na nakipag-meeting sa GMA 7 kahapon, pero tungkol lang daw sa pelikula nitong Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap ang pinag-usapan.

Ang GMA Films kasi at FDCP ang nag-finance ng naturang pelikula.

BOOM: Walang statement na inilabas ang Eat Bulaga sa sex video scandal na kinasangkutan ni Wally Bayola kasama ang EB Babes member na si Yosh Rivera.

Wala pang nakuhang sagot kung silang dalawa nga ang nasa sex video na iyun. Kaya hindi natin makumpirma kung sila nga ito.

Mula pa nung Lunes ay absent si Wally sa Eat Bulaga at nung nakaraang linggo pa ay hindi na rin nakikita si Yosh sa mga EB Babes.

Ang pagkakaalam namin, hindi rin magti-taping si Wally sa Celebrity Bluff ngayong araw.

Ang dinig din namin, kasama ni Wally ang pamilya niya ngayon at hindi muna ito lumalabas.

 

BELA PADILLA CELEBRITY BLUFF EAT BULAGA JOEY SARMIENTO JOYCE BERNAL KAYA LA MESA DAM MICHAEL V NAKALIMUTANG PANGARAP NEIL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with