_ngayon
^

Heart abala sa pagpipinta

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - August 30, 2013 - 12:00am

Kahit hapi si Heart Evangelista bilang girlfriend ni Sen. Chiz Escudero ayaw pa niyang wakasan ang kanyang single blessedness para magpakasal sa pulitiko. Makapaghihintay daw ang marriage pero gusto niyang enjoyin muna ang career niya. So­brang busy ito with TV and films para isipin ang pag-aasawa. Naniniwala rin ito na mahihintay siya ng kanyang nobyo.

Abala rin ito sa kanyang pagpipinta. Ang gaganda ng mga ipinipinta ni Heart kaya alam mong maligaya siya sa piling ng senador na karelasyon.

Bianca idinidisplay kay Rafael ang bagong bf

Marami ang nanghihinayang  sa ‘di pag­kakatuloy ng romansang Rafael Ro­sell at Bianca King. Obvious daw kasi na may chemistry ang dalawa.  May mga la­rawan ng ipinost si Bianca sa kanyang Ins­tagram account na kasama ang kanyang bagong karelasyon. Napaka-sport naman ni Rafael para hayaang maapektuhan ang relasyon ng aktres. Buti na lang daw hindi pa siya nagsisimula sa kanyang panliligaw. Baka ‘yun naman ang dahilan kaya nakipagrelasyon sa iba ang aktres, dahil wala itong aasahan sa aktor?

Charice ginugulo

Bakit parang ayaw nating tanggapin na may magandang career outside of the country si Charice? Eh, totoo naman! Naapektuhan ba kayo ng kanyang kasikatan o ng kanyang pagiging tibo? Hindi la­mang naman siya ang unang tibo na Pinoy na lumantad. Let’s just be happy for her, nagbibigay naman siya ng dangal sa bansa. Ayaw n’yo ba na nagpapaka-totoo siya? Mas feel n’yo ba na sana ay itinago na lang niya? Magulo kayo hah!

 

ABALA BIANCA BIANCA KING CHARICE CHIZ ESCUDERO HEART EVANGELISTA KANYANG RAFAEL RAFAEL RO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with