_ngayon
^

Claudine at Gretchen sa korte lang magkakaalaman

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - August 24, 2013 - 12:00am

Si Claudine Barretto raw ay nagpa-planong idemanda ang kapatid niyang si Gretchen, eh ‘di sana gawin niya para magkaalaman na. At para rin matapos na ang gulo nilang magkakapatid. Matagal na silang nagkukulapulan ng putik na hindi mapigil maging ng mga magulang nila. Nadadamay na rin ang iba pa nilang kapatid. Baka kapag nagkademandahan ay hindi na sila magsalita pa at ilalaan na lang sa korte ang lahat nilang sasabihin. Sana nga.

TV5, susulitin ang bilyong tf ni Ogie

Mukhang susulitin ng TV5 ang ibabayad na talent fee kay Ogie Alcasid. Balitang tambak ang ibinigay ditong trabaho.

Piolo gagawa ng pelikula sa Viva

Kay Piolo Pascual mismo nanggaling na talagang may planong pagawin sila ng pelikula ni Claudine Barretto pero hindi ng Star Cinema kundi ng Viva. Kwesti­yon ay payagan naman kaya ng Kapamilya Network na gumawa ng movie ang kontratado nilang artista katambal ang isang napakakontrobersiyal na artistang babae ngayon?

Hanggang kailan magde-deny?

Hanggang kailan kaya mapapangatawanan nina Lauren Young at Elmo Magalona ang pagdi-deny ng kanilang relasyon? Gaano man nila ito ilihim ang mga fans ni Elmo at Julie Anne San Jose ang nag-iingay. Feeling nila kasi ay sinisira ni Lauren ang love team ng dalawa na matagal nilang inalagaan.

CLAUDINE BARRETTO ELMO MAGALONA HANGGANG JULIE ANNE SAN JOSE KAPAMILYA NETWORK KAY PIOLO PASCUAL LAUREN YOUNG OGIE ALCASID STAR CINEMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with