Kristine gusto nang magtrabaho, pero ayaw ma-stress!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 24, 2013 - 12:00am

Ilang taon na ring hindi lumalabas si Kristine Hermosa sa pelikula at telebisyon. Matatandaang pansamantalang nagpahinga sa showbiz ang aktres mula nang mag-asawa ito at magkaroon ng sariling pamilya. Ngayon ay gusto na raw muli ni Kristine na makagawa ng isang magandang proyekto. “Actually, matagal ko naman nang gusto, but you know I’m just being patient in really waiting for the right project. Hindi ko kaila­ngang i-sacrifice ‘yung time ko for my family. ‘Yung hindi ako mawawalan ng oras for my children and for my husband and ‘yung hindi stressful,” nakangiting pahayag ni Kristine.

Dalawa na ang anak ngayon nina Kristine at Oyo Boy Sotto kaya personal daw niyang desisyon na hindi muna magtrabaho para matutukan ang kanyang pamilya. “Kasi kapag gumawa ka ng drama kailangan mo ng napakahabang rest. And siyempre hindi ko magagawa ‘yun when you have children tapos may husband ka na you have to spend time with. Kasi dati, three times a week or four times a week kaya ko eh, kasi hawak ko ‘yung time ko eh. So parang ayokong mapasubo, kumbaga parang ayokong mag-commit sa hindi ko kayang mapanindigan all throughout,” paliwanag ni Kristine. “Let’s pray harder na meron nang ibigay si God na katulad ng mga sinabi ko na light, happy lang. ‘Yung may matututunan sila talaga na hindi lang puro about love na drama-drama kasi madrama na nga ‘yung buhay natin in real life so kailangan natin ng something to uplift us. Siyempre nami-miss ko na rin ‘yung TV saka ‘yung big screen,” giit pa niya.

Kathryn, nagsa-sacrifice para sa future

Sa Lunes ay magsisimula na sa Primetime Bida ang teleseryeng Got to Believe na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na si Kathryn sa patuloy na suportang ibinibigay ng kanilang mga tagahanga ni Daniel. Matagal na raw kasing inaabangan ng mga tagahanga ang bagong serye ng magka-M.U. (mutual understanding). “Thank you sa kanila sa endless support nila from Princess and I tapos naghihintay sila ngayon so sana ‘pag pinalabas na ‘yung Got to Believe tuluy-tuloy pa rin ‘yung suporta nila,” nakangiting bungad ni Kathryn.

Samantala, abala na rin ang dalaga ngayon sa shooting ng pelikulang Pagpag na isa sa mga entries ng Star Cinema sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. Napagsasabay ni Kathryn ang kanyang mga trabaho at ang kanyang pag-aaral ng kolehiyo. Ayon sa aktres ay hindi na raw niya iniisip ang pagod at kailangan niyang magsakripisyo para sa kanyang kinabukasan. Hindi na rin daw masyadong nakalalabas ngayon ang dalaga sa dami ng kanyang ginagawa. “Iniisip ko na lang everything naman comes with a sacrifice ‘di ba? Feeling ko sa lahat ng blessings ngayon, ‘yun ‘yung kailangan ko i-give up and feeling ko naman kung social life lang ‘yung hinahanap ko, nandito rin naman ‘yun sa trabaho ko. Hindi rin naman ako magimik and everything,” paliwanag ni Kathryn. Reports from JAMES C. CANTOS


 

 

DANIEL PADILLA KASI KATHRYN KATHRYN BERNARDO KRISTINE KRISTINE HERMOSA METRO MANILA FILM FESTIVAL YUNG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with