Hula kina Sam at Robi nagkatotoo
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Naniniwala ba sa hula ang paborito mong Kapamilya stars?

Iyan ang aalamin ni Atom Araullo ngayong Bi­yernes (Aug. 23) sa kanyang pagtuklas sa katotohanan ng hula at kung bakit naniniwala ang mga Pinoy dito sa Hiwaga.

Hindi man lubusang naniniwala sina Sam Milby at Robi Domingo sa hula ay nagkaroon na ito ng karanasan na tila napaisip sa kanila kung totoo nga ba ito.

“Dati, narinig ko na may nagsabi na maaaksidente ako. Then that year, nangyari ’yung van ko na tumaob,” bahagi ni Sam.

“In the near future raw ang mahahawakan ko ay mikropono at ’yun na nga ang ginagawa ko. Parati palagi ako nagho-host, as far as I know tama ’yung mga hula,” kuwento naman ni Robi.

Ngunit hindi naman lahat ng celebrities ay naniniwala sa sinasabi sa kanila ng mga manghuhula, ng mga baraha, o ng horoscope tulad nina Vice Ganda, Kim Chiu, at Jericho Rosales.

“Hindi ko gugustuhing malaman ’yung future kasi I want to live in the now,” sabi ni Vice.

Hindi lang sa mga artistang tulad nina Sam at Robi nagkatotoo ang hula dahil ang hula ni Andy Tan kay Mayor Joseph Estrada at nagkatotoo rin. Sinabi umano sa kanya ng kanyang mga baraha na muling babalik sa pulitika si Erap ngayong 2013.

Hanggang saan kayang matanaw ng hula ang kapalaran ng isang tao? Maniwala na rin kaya si Atom dito kapag tumugma ang hula sa kanya ng ilang psychic?

Muling pasukin ang mundo ng Hiwaga ngayong Biyernes ng 4:15 p.m. sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

 

ANDY TAN ATOM ARAULLO HIWAGA HULA JERICHO ROSALES KAPAMILYA GOLD KIM CHIU MAYOR JOSEPH ESTRADA ROBI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with