_ngayon
^

Michael V. hindi nagsasabi ng totoo

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2013 - 12:00am

Nalilito ang mga tao sa sinasabi ni Michael V. na loyal siya sa GMA pero tatanggap siya ng programa sa TV5. Eh ‘di ba kalaban din ng Siyete ang Singko? Baka naman ibig niyang sabihin ay hindi siya lilipat at mananatili siyang Kapuso artist pero magtatrabaho rin siya sa iba. Hindi ba “hitting two birds with one stone” ’yun or  “having your cake and eating it, too”? Ibig sabihin din he wants the best of both worlds. Pero kung ’yun ang pakahulugan niya sa salitang loyalty, eh mali naman siya!

Ewan ko kung anong diksyunaryo ang gamit niya pero ang loyalty ay pananatili sa isang network at ni paggi-guest sa kalabang istasyon ay hindi niya dapat gawin. Kailangang mamili lang siya ng isa na kung saan siya ay magiging exclusive. Puwede naman siyang nagtrabaho sa lahat ng network pero huwag na niyang sabihin na loyal siya sa isa dahil talagang hindi nila siya maiintindihan.

Megan masusubukan ang pagkakonserbatibo ng Indonesians

Kung bawal pala ang pagsusuot ng mga damit at swimsuit sa Indonesia na nagpapakita ng mara­ming flesh na tulad ng ginagamit ng mga kandidata sa isang beauty contest ay bakit dun pa naisipang ganapin ang Miss World 2013 na kung saan ay kalahok ang ating Miss World Philippines na si Megan Young? Baka lang sila maprotesta.

At kung ’yung napakagagandang two-piece na ginagamit nila ay mapapalitan ng one-piece bathing suit eh mukhang mababawasan ang kasiglahan at excitement ng pageant, kahit puwede rin naman talagang mag-one-piece swimsuit ang mga kalahok. Let us just wish Megan good luck at sana maiuwi niya ang korona.

Kris ibinuking ang umpisa ng panliligaw ni Jolo kay Jodi

Sa programa ni Kris Aquino na kung saan ay maraming materyal na nakukuha ang maraming entertainment writers para isulat ay nabanggit din na nung My Binondo Girl pa unang ini-link si Kim Chiu kay Jolo Revilla pero pinabulaanan ito ni Kim sa pagsasabing sa panahong ’yon ay nagsisimula na ng panliligaw si Jolo kay Jodi Sta. Maria. At dun din ba nagsimula ang romansa nina Kim at Xian Lim?

 

JODI STA JOLO JOLO REVILLA KIM CHIU KRIS AQUINO KUNG MEGAN MEGAN YOUNG SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with