_ngayon
^

Kaye sinigurong wala silang sex video ni Chito Miranda

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2013 - 12:00am

Pati mga ex-girlfriend ni Chito Miranda ay biglang nabulabog sa paglabas ng sex video nito at ni Neri Naig. Ngayon lahat ng mga ex niya ay sinasabing baka may sex video ring nakatago.

Kaya buong tapang na lumabas si Kaye Abad para lamang siguruhin na wala silang video ni Chito. Sino pa kaya sa mga ex ng singer ang lalabas para magpatunay na wala silang sex video?

Claudine hindi matiis ng ina

Akala ko ba hindi na makikihalo ang ina ni Claudine Barretto sa away nito kay Raymart Santiago? Obviously hindi nito natitiis ang anak. Sa dami nga naman ng sumusuporta sa Kapuso actor at nagsabing mas pinaniniwalaan nila ito kaysa ang asawa niya kung kaya kahit paano siguro ay gustong mabigyan ng ina ng feeling of confidence ang anak with her presence.

After all, sino ba ang magtutulungan kapag nalalagay sa gipit ang anak, siyempre si Mommy Inday. Pero sana bukod sa pagsama kay Claudine ay magawa ng kanyang ina na mapangaralan ang kanyang anak. Para hindi na ito maligaw pa ng landas.

CHITO CHITO MIRANDA CLAUDINE CLAUDINE BARRETTO KAPUSO KAYA KAYE ABAD MOMMY INDAY NERI NAIG RAYMART SANTIAGO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with