^

PSN Showbiz

Rufa Mae ‘naloko’ ng ex?!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Narinig ko ang balita na ibinuko ni Fabio Ide na naging boyfriend noon ni Rufa Mae Quinto ang kanyang Brapanese friend na si Akihiro Sato.

Ang ginawa ni Fabio ang sagot sa blind item sa unang presscon ng Ang Huling Henya na may kaibigan siya na nanligaw kay Rufa Mae kaya imposible na ligawan niya ang sexy comedienne.

Magkasama ang dalawa sa Ang Hu­ling Henya. Tinanong si Rufa Mae ng mga reporter kung hindi ba siya niligawan ni Fabio. Negative ang kanyang sagot dahil wala raw sa karakter ni Fabio na manligaw sa mga babae na na-link sa kaibigan niya.

Hindi sinabi ang name ng friend ni Fabio na nanligaw kay Rufa Mae. Lumitaw na lang ang name ni Akihiro sa second presscon ng Ang Huling Henya noong Huwebes.

Matagal nang wala si Akihiro sa Pilipinas. Happily married na siya at may isa na silang anak ng kanyang Brazilian wife. Kung naging girlfriend ni Akihiro si Rufa Mae, parang namangka siya sa dalawang ilog dahil never na nabalita na nagkahiwalay sila ng kanyang girlfriend na eventually eh naging asawa niya.

Nagkasama kami noon ni Fabio sa Tweetbiz ng GMA News TV. Mabait at magalang na bata ang Brazilian model-actor.

Nakita ko na pursigido siya na mapaunlad ang kanyang showbiz career sa Pilipinas. Wala sa image ni Fabio na gagawa ng kuwento kaya kung totoo man na sinabi niya na nagkaroon noon ng relasyon sina Rufa Mae at Akihiro, believable ang kanyang rebelasyon. Walang mapapala si Fabio kung mag-iimbento siya ng intriga.

Sa Aug. 20 ang red carpet premiere ng Ang Huling Henya. Dalawa at magkasunod ang premiere night ng pelikula ni Rufa Mae, isa sa Gateway Cinema (Cubao) at ang isa ay sa Glorietta Cinema (Makati).

Malamang na maglagare si Rufa Mae para masipot niya ang red carpet premiere ng Ang Huling Henya na showing sa mga sinehan sa Aug. 21.

Ipinagmamalaki ni Rufa Mae na nag-training siya para sa kanyang action scenes. Nag-aral siya ng martial arts dahil ito ang ginamit niya na sandata sa kanyang pakikipaglaban sa mga zombie.

Nakilala si Rufa Mae dahil sa kanyang mga bobita role pero sa Ang Huling Henya, matalinong babae ang karakter niya.

Heart kinaiinggitan,nakalamang kay Taylor Lautner

Mapapanood ngayong hapon sa Startalk ang exclusive interview kay Taylor Lautner. Si Heart Evangelista ang nag-interbyu sa sikat na Hollywood actor kaya kinaiinggitan siya ng ibang aktres na nangangarap na ma-meet ng personal ang bagong Bench celebrity endorser.

Maraming tinanong si Heart kay Taylor at mapapanood sa Startalk ang lahat ng kanyang mga sagot. Nasulit ang paghihintay ni Heart dahil marami ang nag-interbyu kahapon kay Taylor.

Pag-aabang kay Gerald tapos na

Ipinalabas kagabi ang full trailer ng Bukas na Lang Kita Mamahalin, ang drama series ng ABS-CBN na ipapalabas sa susunod na buwan.

Maganda ang mga feedback sa trailer ng Bukas na Lang Kita Mamahalin na action at drama ang tema.

Nainip ang fans ni Gerald Anderson sa paghihintay sa bagong teleserye ng kanilang idolo. Tapos na ang kanilang matagal na pag-aabang dahil kasado na sa September ang airing ng Bukas na Lang Kita Mamahalin.

Kasama sa powerhouse cast ng teleserye ang aking alaga na si Tonton Gutierrez na may special participation din sa Maria Mercedes.

 

AKIHIRO

ANG HULING HENYA

BUKAS

FABIO

KANYANG

LANG KITA MAMAHALIN

MAE

RUFA

RUFA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with