Kris nabili na ang pangarap na mansion
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2013 - 12:00am

Balik-trabaho agad si Kris Aquino pagdating mula sa Holy Land pilgrimage kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby at ilang staff. Puno agad ang schedule nito ng taping ng Kris TV at kahapon, bukod sa live episode, nag-taping ng two episodes.

Naintriga kami sa Friday and Saturday schedule ni Kris na “source and buy stuff for new house.” Ibig sabihin, nakabili na ito ng bahay kapalit ng house sa Ayala, Alabang na unang nagustuhan, pero hindi natuloy bilhin dahil sa ilang problema.

Michael V. tuloy ang paglalagare sa TV5

Titigil na siguro sa pangungulit ang ilang Kapuso viewers kay Michael V. sa pag-aakalang iiwan nito ang GMA Network, Inc. dahil may gagawing show sa TV5. Bina-bash na ng ibang fans ng network si Michael V. sa pag-aakalang lalayas siya sa Kapuso Network.

Kaya nag-tweet si Michael V. ng “Gusto ko lang linawin sa mga pasaway na HINDI ako aalis sa GMA. Ano ba!” Malinaw na hindi pa rin nito iiwan ang Bubble Gang, Pepito Manaloto, at Eat Bulaga.

Pero tuloy pa rin ang pagho-host ni Michael V. ng Killer Karaoke sa Singko at sabi sa amin, one season ang itatakbo nito. Hindi pa alam kung kalian ang pilot nito.

Kim niregaluhan ang sarili ng kotseng worth P1.5M

Magkasunod ang birthday ng Kakambal ni Elia­na stars na sina Enzo Pineda at Kim Rodriguez. Kahapon, Aug. 12 ang birthday ng aktor at bukas, Aug. 14, ang birthday ni Kim. Magsi-celebrate siya kasama ang ilang fans sa Ark Avilon Zoo.

Isang brand new white Tucson Hyundai car ang regalo ng young actress sa sarili sa kanyang 19th birthday. Worth P1.5M ang car na this week na makukuha ni Kim at tsika nito, inalam muna niya sa GMA 7 kung may next project siya after Kakambal ni Eliana para may pang monthly amortization siya. Nang i-assure na may next show siya, saka niya itinuloy ang pagbili ng sasakyan.

Kasama sina Steven Silva at Julian Trono, nag-guest sila sa charity event ni Enzo sa Alabang Elementary School at nakilala ang mother ng aktor. Mukhang fan si Macy Pineda ng Enzo-Kim love team dahil tuwang-tuwa kay Kim at nag-react nang malamang kay Kristoffer Martin may kissing scene si Kim pero hindi sa anak.

Birthday wish nito na makapiling ang amang si Allan Lorenzo na matagal niyang hindi nakita at kamakailan lang nagparamdam sa kanya.

At gaya nang suggestion ni Louise delos Reyes nang makausap namin sa taping ng Mundo Mo’y Akin na si Enzo na lang ang tanungin namin kung nagkabalikan na sila sinabi nito wala raw balikang nangyari, nag-usap silang mag-focus muna sa career nila at saka na ang love. Magkaiba ang pahayag nila at sa nterview namin kay Enzo parang open pa sa admiration niya kay Lexi Fernandez na kasama niya sa Kakambal ni Eliana. 

Ang Dormitoryo ang next show ni Enzo after Kakambal ni Eliana, hintayin natin kung kanino kina Julie Anne San Jose at Lauren Young siya ipapareha.

Ekstra ipalalabas sa toronto filmfest

Isa ang Ekstra sa Filipino films na may screening sa 38th Toronto International Film Festival (TIFF) na tatakbo from Sept. 5-15. Ipinoste ni Atty. Joji Alonso, producer ng movie sa Twitter ang invitation ng TIFF para sa first indie film ni Gov. Vilma Santos.

Kasama ang Ekstra sa Contemporary World Cinema Programme category at eligible for the BlackBerry People’s Choice Award. Dadalo sa TIFF sina director Jeffrey Jeturian, Ferdinand Lapuz, at Ruby Ruiz.

 Sa Sept. 8 at 10 ang scheduled screening ng movie na may English title na The Bit Player.

ALABANG ELEMENTARY SCHOOL ALLAN LORENZO ANG DORMITORYO EKSTRA ELIANA ENZO KAKAMBAL MICHAEL V NITO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with