_ngayon
^

Juday matagal pang magre-reyna!

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - August 12, 2013 - 12:00am

Nagagalit ako kapag may nagsasabing laos na si Judy Ann Santos. Masaya kayo, nasa kasibulan pa ng kanyang career ang reyna ng teleserye ng Dos, ’no? Napapanood n’yo ba si Juday sa kanyang teleserye?

Magsisinungaling kayo kapag sinabi n’yong laos na siya. Pagdating sa drama sa kanyang henerasyon, nangunguna pa rin si Judy Ann!

Coco pinagpapala dahil sa pag-aako ng anak

Bow naman ako kay Coco Martin. Hindi naman pala siya ang ama ng anak ni Katherine Luna pero never nating narinig na itinanggi niya ang bata. Kahit para protektahan lang ang sarili niya’t career.

Kaya naman pala siya pinagpapala. Ang daming nagsasabi na mga bata ang pinasasaya niya sa mga espesyal na okasyon ng buhay niya pero sarili niyang anak, kinakalimutan niya. ’Yun pala wala siyang anak.

Kayong nagbibintang, ’di pa ba kayo nagi-guilty?

Neri Naig may consent sa sex video?!

Tama lang ang ginagawa ng girlfriend ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar sa kanyang pagsasawalang kibo. Nai-spare siya sa mas malaking kahihiyan at sama ng loob.

Cu­rious lang ako na nalaman kung aware si Neri Naig na bini-video sila. Kung hindi, mas malaking kasalanan ang ginawa sa kanya ng boyfriend niya. Kung oo naman, ba’t kaya siya pumayag?

CHITO MIRANDA COCO MARTIN JUDAY JUDY ANN JUDY ANN SANTOS KAHIT KATHERINE LUNA KAYA NERI NAIG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with