_ngayon
^

Regine sigurado na ang pagsunod kay Ogie?!

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - August 9, 2013 - 12:00am

Mas sigurado sa hindi ay dyu-join  din si Regine Velasquez kay Ogie Alcasid sa TV5. Hindi naman siguro siya pupunta ng Kapamilya Network dahil magiging magkalaban pa sila ng mister niya. At baka hindi siya mahanapan ng work dito. Sa Ka­patid Network na lang dahil may gagawing musical si Ogie at dun babagay siya.

May balita rin na baka madala ni Ogie si Michael V sa TV5. Gusto kong sabihin na sana hindi, hari si Bitoy ng sarili niya. Pero malay n’yo baka i-revive nila yung Tropang Trumpo na papatok pa rin kahit sa makabagong panahon ngayon.

Sarah hinihintay magsalita tungkol sa panganganak

Ano ba talaga? Sunud-sunod na ang balita na nanganak na si Sarah Lahbati.

Eh bakit hindi nila ito ikinwento nung bumalik si Sarah, baka natuwa pa ang mga fans nila. Hindi na naman nito maaapektuhan ang career ni Richard na nagbabakasyon ngayon.

Kahit naman si Sarah ay hindi na maaapektuhan. Wala siyang career sa kasalukuyan at paano nga ba siya makakabalik eh mas lumala ang away nila ng bossing ng GMA. Hindi rin siguro siya magtatrabaho sa iba dahil may kontrata pa siya sa Siete.

Ano na, aamin ba sila o hindi?

Raymart walang choice, kailangang kasuhan si Claudine

Walang choice si Raymart Santiago kundi ang magsampa rin ng kaso against Claudine Barretto kundi baka hindi niya makita ang mga anak niya. ‘Yun nga lang, hindi lang pakikipagkita sa mga anak niya ang layon niya kundi ang makuha rin ang kustodiya nila. Paano na ito, lumalalim na ang kaso nila? Magkakasakitan na sila, at mas mahirap indahin ang sakit ng loob kaysa sa sakit na pisikal na tulad sa ibinibintang ni Claudine kay Raymart. At bakit parang walang pakialam ang mga magulang ni Claudine sa kanya, this time?

ANO CLAUDINE CLAUDINE BARRETTO KAPAMILYA NETWORK MICHAEL V OGIE OGIE ALCASID RAYMART RAYMART SANTIAGO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with