Kahit abala sa santambak na trabaho Gov. Vi may oras magbasa ng dyaryo!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2013 - 12:00am

Araw-araw na nagbabasa ng PSN si Batangas Governor Vilma Santos-Recto dahil tinawagan pa niya ako sa cell phone para itanong ang starring sa isang blind item na lumabas sa Take it! Take it!

Siyempre, sinabi ko kay Mama Vi ang name ng aktres na bida sa blind item. Walang reason para ilihim ko sa kanya ang identity ng aktres na nabubuhay sa ilusyon.

Nakakatuwa na malaman na totoo ang kuwento na araw-araw na nagbabasa ng mga diyaryo ang Star for All Seasons, kahit sobrang busy ng kanyang schedule. Updated na updated si Mama Vi sa current events at sa mga kaganapan sa showbiz.

Hindi siya katulad ng ibang mga artista na walang pakialam. Kakaiba talaga si Mama Vi! Vilma Santos is Vilma Santos!

Lumapit sa family court Raymart nag-file ng habeas corpus, mga inosenteng anak nila ni Claudine damay na

Ang balita na nag-file si Raymart Santiago ng habeas corpus sa korte ng Marikina City ang balita na nakarating sa akin kahapon.

Nag-request daw si Raymart ng habeas corpus dahil sa kagustuhan niya na makita ang mga anak na sina Sabina at Santino.

Gusto rin daw ni Raymart na makuha ang custody ng dalawang anak nila ni Claudine Barretto.

Lalong naging masalimuot ang hidwaan nina Raymart at Claudine dahil nadamay na ang mga inosenteng bata.

Knowing Claudine, hindi siya papayag na makuha ni Raymart ang custody ng mga bata. Tiyak na ipaglalaban niya ang kanyang mga karapatan bilang ina.

Nagpainterbyu si Randy Santiago sa presscon  ng Raketeros tungkol sa problema ng kanyang kapatid at hipag.

Tiniyak ni Randy na magsasalita si Raymart at ang duda ko, ang writ of habeas corpus ang sagot ng kanyang youngest brother sa mga reklamo ni Claudine.
 Ang writ of habeas corpus ay isang legal action para iprisinta o dalhin sa korte ang mga tao na nawawala o hindi nakikita.

Sabik na sabik na siguro si Raymart na makita ang mga bata kaya lumapit na siya sa family court ng Marikina City.

Naging legal drama na ang kuwento ng real-life conflict ng mag-asawang Raymart at Claudine.

Sad ang fans ng mag-asawa dahil humantong sa ugly court battle ang kanilang hindi pagkakaintindihan. Hoping sila na magkakasundo at magkakapatawaran ang magkabilang-kampo pero imposible na mangyari ito ngayon. Masyadong fresh pa ang sugat na nilikha ng kanilang paghihiwalay.

Sequel sa Malaysia gagawin

May sequel pala ang Raketeros at nabuo ang plano bago pa ipinalabas kahapon sa mga sinehan ang comedy movie ng Heaven’s Best Entertainment at Star Cinema.

Ikinuwento ni QC Mayor Herbert Bautista na ang Malaysia ang location ng sequel ng Raketeros. Nagbiro pa sila ng kanyang co-stars na gaganapin sa Kuala Lumpur ang presscon. Sosyal di ba?

Naniniwala ako na seryoso at hindi nang-eeklay si Papa Herbert. Kailangang matupad ang pralala na idaraos sa Malaysia ang presscon ng next movie nila! Matagal-tagal na rin mula nang rumampa ako sa Kuala Lumpur.

ALL SEASONS BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO CLAUDINE KUALA LUMPUR MAMA VI MARIKINA CITY RAKETEROS RAYMART VILMA SANTOS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with