^

PSN Showbiz

Nakaengkuwentro ni Annabelle Rama nangangailangan ng tulong

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang Instagram post ni Jackie Forster tungkol sa Lyxen Paras report ng Seen Scene kahapon: “Wow lang. Yun lang masasabi ko. Thank you to the people who send me the articles. I see much clearer now. Miss you so much #AndreParas and #KobeParas really wish we could just sit down and talk.. this stuff I read about breaks my heart and is not cool. Please come back to your real mother.”

SCENE: Ngayon ang biyahe ni Billy Crawford sa Amerika. Haha­napin ni confused Billy ang sarili pagkatapos ng maingay na breakup nila ni Nikki Gil.

SEEN: Kailangan ng tulong ng entertainment writer na si Chito Alcid na naka-confine sa ospital dahil sa colon surgery. Si Chito ang reporter na nakaengkuwentro ni Annabelle Rama sa burol ni Dolphy sa Heritage Memorial Park sa Taguig City noong nakaraang taon.

SCENE: Isang episode sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ang unang TV appearance ni JC de Vera bilang Kapamilya star.

SEEN: Si Biñan, Laguna Mayor Len Alonte ang travel companion  ni Kris Aquino at ng mga anak nito sa kanilang Holy Land pil­grimage.

SCENE: Natupad na ang pangarap ni Francine Prieto na magamit ang family name ng kanyang Norwegian biological father. Jensen at hindi na Falcon ang totoong apelyido ni Francine.

SEEN: Si Solenn Heussaff ang bagong celebrity endorser ng Bench. Pormal na ipapakilala si Solenn bilang Bench endorser sa susunod na linggo.

SCENE: Ngayon ang garage sale ni Bela Padilla sa 18 Nevada St. Northeast Greenhills, San Juan City. Fifty pesos hanggang P500 ang presyo ng mga personal item na ibebenta ni Bela mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

ANG INSTAGRAM

ANNABELLE RAMA

BELA PADILLA

BILLY CRAWFORD

CHITO ALCID

FRANCINE PRIETO

HERITAGE MEMORIAL PARK

HOLY LAND

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with