Luis ayaw makisawsaw sa problema nina Jennylyn at Patrick
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 1, 2013 - 12:00am

Kamakailan ay naospital ang kasintahan ni Luis Manzano na si Jennylyn Mercado. Nag-alala raw ang binata kay Jennylyn noon kaya todo bantay si Luis sa ospital. “Akala namin grabe. Akala namin appendicitis pero simpleng tummy ache lang. She’s okay, she’s working, she’s very busy. Magsisimula na naman lahat ng kailangan niyang gawin so everything is fine,” pahayag ni Luis.

Samantala, ngayon ay isang pagsubok na naman ang kinakaharap ni Jennylyn. Diumano ay magsasampa ng kaso ang aktres laban sa ina ni Patrick Garcia na si Celeste Garcia dahil sa mga mapanirang komento ng huli tungkol sa pagbisita ni Patrick sa anak nila ni Jennylyn na si Jazz. Ano kaya ang reaksiyon ni Luis tungkol sa panibagong isyu na kinasasangkutan ni Jennylyn? “I cannot comment on it. It is not my story to tell, kumbaga kuwento nila ‘yon. Si Pat bilang daddy ni Jazz, and Jen, mommy ni Jazz. Wala ako doon, I cannot comment. I guess the right thing to do for all parties is to be quiet about it,” seryosong sagot ni Luis.

May mga nagsasabi ring mas malapit pa raw ang loob ni Jazz kay Luis kaysa sa tunay nitong ama na si Patrick. “Ayoko ko na pansinin pa, ayoko na pag-comment-an. Anything to do with Jazz, iiwan ko lang. Either sa amin na lang dalawa ‘yun or if there is anyone talking about Jazz, si Jen ‘yun,” giit pa ng aktor.

Gary apektado sa hiwalayang Nikki-Billy

Ikinalungkot ni Gary Valenciano ang paghihiwalay nina Billy Crawford at Nikki Gil. Malapit daw sa puso ng singer ang dating magkasintahan. “They’re very close to me, but I respect that they both know. Parang nag-mature na rin sila and no’ng kinausap ko si Billy, kinausap ko si Nikki, wala silang masamang sinasabi tungkol sa isa’t isa. Billy admits that there’s something going on in him which sabi ko, I will always be around for that,” bungad ni Gary. “Billy is very, very dear to me dahil ‘yung isa sa mga unang concerts niya as a young boy was in my concert sa Music Museum. So there’s a link between me and him and he is an international artist that’s going through a lot here at home. I hope we can all help and really give him the space that he needs. Give him a chance and kung ano man ang binanggit niya sa The Buzz, let’s give him a chance to find himself,” dagdag pa ng singer.

Ayon kay Gary ay nasaksihan din niya na nasasaktan pa rin sina Nikki at Billy sa nangyaring hiwalayan. “Actually ang nangyari, Yahoo OMG awards, nag-usap kami ni Billy, that was Friday night. Pagdating ng Sunday nakita ko si Nikki, so lumapit ako. I said, ‘Hi Nikki!’ then she looked at me. Siguro alam niya na alam ko. Sabi ko, ‘Hey! I just want to give you a hug.’ Pagyakap ko sa kanya ‘yun na, parang bumigay siya nang konti. And then with Billy sa ASAP gano’n din. I hugged him and sabi niya sa akin, ‘Pray for me, I’m coming out on The Buzz.’ That’s what really what Kapamilya is all about and ‘yan ang gusto kong ipakita sa lahat ng tao at dapat malaman din ng tao na ang pagiging Kapamilya namin ay hindi lang sa ASAP. It’s in front and behind the camera. That’s what we are to each other,” pagtatapos ni Mr. Pure Energy. -Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                                                 

 

BILLY BILLY CRAWFORD CELESTE GARCIA GARY VALENCIANO HI NIKKI JENNYLYN LUIS NIKKI
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with