_ngayon
^

Billy ang may pagkukulang sa hiwalayan nila ni Nikki

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - July 29, 2013 - 12:00am

Kulang pala sa pagmamahal ni Billy Crawford si Nikki Gil kaya naghiwalay sila. Ito ang impresyon ng marami sa mga pinagsasabi  ni Nikki sa Internet.

Bakit hindi niya ito sabihin o sinabi sa kanyang ex, baka naiwasan pa ang paghihiwalay nila? Kesa naman ’yung sa Internet siya naglalabas ng sama ng loob. At sana sa lahat ng mga pag-iingay ni Nikki sa Internet, huwag ng mag-react si Billy. Para huwag ng humaba pa ang isyu nila. Kung magagawan din niya ng paraan na magkabalikan sila, tutal alam na niya ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, eh di gawin na lang niya.

Randy inaabsuwelto si Raymart sa pambubugbog

Tama lang naman ang dahilan ni Randy Santiago na huwag makialam sa problema ng kapatid niyang si Raymart Santiago at Claudine Barrretto. Kung may magagawa siya at ang pamilya nito, ito ay ’yung kausapin lamang ang kapatid niya pero ang turuan siya ng kanyang gagawin, ibang bagay na raw ’yun.

Wala silang alam sa problema nito at ng asawa niya kaya  they are keeping their  distance. Pero ang lumalabas na nananakit ng asawa ang kapatid niya ay lubos niyang itinatanggi dahil wala raw sa personalidad ni Raymart na sinusulsulan ng lahat ng nakakakilala sa kanya.

Kris at James ayaw patahimikin

Ayaw talagang ma­ta­­pus-tapos ang pagkakaro’n ng isyu sa dating mag-asawang Kris Aquino at James Yap. Sa halip na matapos na dahil nagkasundo na ang dalawang panig sa visitation rights na ipinagkaloob sa basketbolista na siya pa ring tutustos sa pag-aaral ng kanyang anak na si Bimby, meron na namang binuhay na isyu tungkol sa hindi raw pagtrato ng hindi tama ni Kris sa kanyang ex-dyowa.

Ano na naman ba ’yan, kailan n’yo ba lulubayan ang dalawa? Napawi na ang apoy, huwag n’yo nang gatungan. Panatilihin n’yo nang patay ang pag-aray huwag n’yo nang buhayin. Tantanan n’yo na sila.

Masaya na si James, nagkikita na sila ng anak niya. May love life na siya. Kaya puwede ba, huwag n’yo nang gamitin ang girlfriend niya para papagselosin si Kris?

Hindi naman sa kampi ako kay Kris pero tanta­nan n’yo naman na sila!

Eric at Zsa Zsa aayusin ang mana ni Dolphy

 Hindi maiiwasan na magka-problema sa hatian ng maraming anak ni Dolphy ng kanyang mga naiwan.

Ang dami kasi nila. Sana maayos ito sa pama­magitan nina Eric Quizon at Zsa Zsa Padilla na siyang pinagkatiwalaan ng namayapang komedyante na magsaayos ng lahat.

                             

BILLY CRAWFORD CLAUDINE BARRRETTO DOLPHY ERIC QUIZON JAMES YAP KRIS AQUINO NIKKI NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with