Cinemalaya dinarayo ng manonood!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 28, 2013 - 12:00am

Nag-umpisa kahapon ang Cinemalaya Independent Film Festival. May mga nagpunta sa Cultural Center of the Philippines (CCP) para panoorin ang mga official entry pero mas marami ang nanood sa Trinoma Cinema at sa Greenbelt Cinema, lalo na ‘yung mga nakatira sa Quezon City at Makati City.

Malaki nga naman ang natipid nila sa oras, gas, at pamasahe dahil hindi na sila darayo pa sa mala­yong lugar ng CCP. Ang mga pelikula na Babagwa, Purok 7, at Rekorder ang mga pelikula na napanood nila na ipinalabas din naman sa CCP.

Ipapalabas din sa selected theaters sa Trinoma at Greenbelt ang Ekstra, ang kauna-unahang indie movie ni Batangas Governor Vilma Santos. Excited na ang Vilmanians na mapanood si Mama Vi sa isang deglamorized role.

Aktor at transsexual umamin na sa pagpapakasal

Inabangan ang airing kahapon ng kuwento ng Startalk tungkol sa ex-Starstruck contestant na nagpakasal sa isang transsexual.

Lumantad na pareho ang aktor at ang transsexual na totoong magkarelasyon  at maayos naman ang lagay.

Three weeks ding inabangan ang nakakaintrigang kaganapan sa buhay ng aktor na hindi naman masyadong nakilala sa showbiz dahil hindi siya na­ging aktibo. Parehong letter J ang umpisa ng pangalan ng dalawang aktres na nakarelasyon ng aktor noon na nagmamahal na ngayon sa isang transsexual.

Aktres na nasangkot sa eskandalo nasobrahan ng retoke sa mukha

Disappointed sa aktres ang mga nanood ng kanyang bagong pelikula.

Nadismaya ang moviegoers dahil retokadang-retokada ang face ng aktres na mas maganda noong hindi pa niya ipinapagalaw ang kanyang mukha.

Matagal na hindi gumawa ng pelikula ang aktres na nananatiling single pero meron nang anak. Masalimuot ang buhay ng aktres dahil nasangkot siya sa mga eskandalo pero himala na naka-survive siya. Ang feeling ko, ang pagpaparetoke ng face ang solusyon ng aktres para mabawasan ang kanyang mga insecurity at malimutan niya ang traumatic past.

Akting ni Kevin napapansin na

Payat sa personal si Tom Rodriguez kaya nagtataka ako sa mga nababasa ko na tumaba siya. Nagkita kami ni Tom sa event ng YES! Magazine noong Huwebes at in fairness to him, ang liit-liit ng kanyang mukha.

Artistang-artista na ang aura ni Tom dahil nadagdagan ang kanyang confidence. ’Yan ang epekto ng good reviews sa acting niya sa My Husband’s Lover.

Napansin din sa My Husband’s Lover si Kevin Santos. Matagal nang gumaganap na bading si Kevin sa mga teleserye ng GMA 7 pero nag-shine siya nang husto sa My Husband’s Lover.

I’m sure madaragdagan na rin ang mga TV at film assignment ng alaga ni Joe Barrameda dahil pinupuri ang performance niya sa My Husband’s Lover. Sineseryoso na ni Kevin ang kanyang showbiz career kaya seryoso na rin siya sa pagpapapayat.

 

AKTRES BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES GREENBELT CINEMA JOE BARRAMEDA KEVIN MY HUSBAND
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with