Palibhasa’y hindi nagpa-botox ng mukha, Gov. Vi nakaka-akting pa ng tama
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 19, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ipinalalabas na pala sa mga sinehan ang trailer ng Ekstra, ang kauna-unahang indie film ng Star For All Seasons and Gov. Vilma Santos kaya definite na hindi lang ito sa Cinemalaya mapapanood.

And base sa trailer and title, ibang-iba nga si Gov. Vi sa pelikulang ito na produced ni Atty. Joji Alonzo na nakasabay naming nanood ng pelikulang Before Midnight kung saan ipinalabas ang trailer ng Ekstra.

Parang maganda ang role nina Piolo Pascual at Marian Rivera sa nasabing indie film na ipapalabas sa pagbubukas ng Cinemalaya next week.

At walang ka-make up make up si Ate Vi sa movie kaya lumabas ang natural niya pa ring ganda na advantage niya sa ibang mga aktor ngayon na pawang mga nagpa-botox kaya nawalan ng expression kahit anong acting ang gawin.

At hindi lang iilan lang ang mga nagpagalaw ng kanilang mukha kaya hindi na makaakting ng tama. Eh si Gov. wala pang pinagagalaw sa katawan.

Nagsalita na finally sa pagiging majarot: Matapos ituring na stranger, ahas dahil kay Gerald, Maja niresbakan ang mga ginawa ni Kim

Sumagot na pala si Maja Salvador tungkol sa nangyari sa kanila ni Kim Chiu matapos niyang patulan si Gerald Anderson. Matagal-tagal ding nagpigil si Maja sa mga panlalait  sa pakikipag-relasyon niya sa aktor.

Ang sabi ni Maja wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niyang pagtatanggol sa kanila ng aktor.

“Anong magagawa mo kung sabihin sa ‘yo, ayaw niyang ihinto?” patungkol sa naging panliligaw ng aktor.

“Ang ipaglaban ang pagmamahal na hindi mo naman alam  kung magwo-workout, that’s the bravest thing I ever did. Kung pinaninindigan ka naman, bakit hindi mo rin panindigan?” sabi niya sa interview sa kanya ng glossy magazine na Cosmopolitan na lumabas sa ABS-CBN.com.

Pero ayaw na raw niyang magpaliwanag sa sinasabi ng kanyang mga bashers at tinatawag kung anu-ano.

“Ang daming puwedeng sabihin, pero ayaw ko nang i-defend ang sarili ko o iklaro kung ano ang tingin ng tao sa akin. Majarot? Ahas? Isipin na lang nila ‘yon. Pero sa akin, never akong naapektuhan dahil unang una, wala akong inagawan, at wala akong inagaw,” paliwanag ni Maja sa naturang interview.

Sinabi rin niyang tinuturing pa rin naman niyang kaibigan si Kim sa kabila nang mga nangyari dahil matagal din naman silang naging magkaibigan.

 â€œKung para sa kanya, hindi niya nakita ang foundation ng friendship namin, sa akin gusto ko makita niya na para sa akin, nandoon pa din. At the end of the day, gusto kong piliin ang maging kaibigan. She knows everything from the start,” paglilinaw ni Maja tungkol sa nangyari sa kanila ni Kim.

 â€œAminin natin, aminin ko na. May mali ako, may mali si Kim, mali si Gerald. ‘Yung sa akin, sige mali, dahil magkaibigan kami at ex niya. Si Ge, mali dahil alam niya magkaibigan kami tapos pumasok  siya sa eksena, at si Kim, dahil three years na nga since naging sila, dagdag nito.

Parehong nasa abroad ang dalawa kaya wala pang makukuhang sagot sa kanila.

Nakikita sa kanilang photo and video sharing account nila – Instagram – na nasa Paris si Kim kasama si Xian Lim at si Maja ay nasa London. Kasama sila sa TFC sa London.

 

 

 

ATE VI BEFORE MIDNIGHT CINEMALAYA EKSTRA GERALD ANDERSON MAJA NIYA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with