Gov. Vilma nagsalita na sa pagpi-presidente?
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ngayong Martes, sa pambihirang pagkakataon, bubuksan ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ang kanyang tahanan sa award-winning program life­style program ng GMA News TV, ang Powerhouse.

Kasama ang bagong Powerhouse host na si Ka­ra David, silipin ang magandang tahanan ng Star for All Seasons sa Batangas na tinaguriang Peo­ple’s Mansion, ang official residence ng goberna­dor. Makikisakay rin ang Powerhouse team sa mobile office ng gobernadora na siyang ginagamit sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa Batangas.

Marami ring rebelasyon ang mapapanood sa Powerhouse dahil ikukuwento ng multi-awarded actress ang ilang mga pangyayari sa buhay niya na hindi alam ng marami kasama na ang ilang kaabang-abang na detalye ng naging rivalry nila noon ni Superstar Nora Aunor. 

Aalamin rin ng award-winning broadcast journalist na si Kara ang buhay ng governor bilang asawa at ina pagdating sa loob ng bahay. Bukod dito, sasagutin din ng Batangas governor ang tsikang presidente na raw siya sa 2016?

Abangan ang mainit na kuwentuhan tungkol sa buhay at bahay ni Batangas Gov. Vilma sa bagong season ng Powerhouse ngayong Martes, 8 p.m., sa GMA News TV.

 

AALAMIN ABANGAN ALL SEASONS BATANGAS BATANGAS GOV BUKOD NGAYONG MARTES SUPERSTAR NORA AUNOR VILMA SANTOS-RECTO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with