_ngayon
^

Dalawang TV executives ng TV5 na pareho ang kasarian, magpapakasal na

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2013 - 12:00am

Congratulations sa mga magkakapareho ang kasarian na couples na nagdiriwang ng kanilang anibersaryo!

Binabati ko ang isa sa mga bossing ng TV5 na si Perci Intalan at ang maga­ling na writer na si Jun Lana dahil sa pagsapit ng kanilang 10th anniversary as a couple.  At nakatakda na silang pakasal sa Amerika ngayong taon.

Ganun din ang ilang mga showbiz friend na mas matagal na ang relasyon kaysa kina Perci at Jun, tulad nina Mother Ricky Reyes at Cris Aquino, Boy Abunda at Bong Quintana, at lalong mas marami pang non-showbiz tandems. May you stay together forever!

Mga sasabihin ni Claudine inaabangan

Panay na ang pagpapadala ng mga text ngayon sa kanyang Instagram account ni Claudine Barretto. Ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang sa kanyang comeback.

I’m sure hindi lang sila excited kung pumapayat man siya o hindi, mas excited ang publiko na malaman kung ang estranged husband niya ang may gawa ng mga pasa niya, kung ano ang reaksiyon/opinyon niya sa gusot sa pagitan ng pamilya niya’t kapatid, at kung namintina niya ang pagiging mahusay niyang artista.

Hintayin natin ang pagbabalik niya.

Eat Bulaga walang lisensiya sa Pinoy Henyo

Akala ko may permiso ng Eat Bulaga ang paggamit ng Pinoy Henyo ng GMA sa isang bagong prog­rama ng network. Hindi na pala kailangan dahil hindi hawak ng EB ang tanging karapatan para sa titulo dahil sa segment nilang Pinoy Henyo.

Baka pa siguro kung inirehistro nila ang titulo sa kanilang pangalan, baka nabigyan pa sila ng lisensiya para sila lamang ang makagamit ng titulo.

 

BONG QUINTANA BOY ABUNDA CLAUDINE BARRETTO CRIS AQUINO EAT BULAGA JUN LANA MOTHER RICKY REYES PERCI INTALAN PINOY HENYO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with