Pelikulang ipalalabas sa Cinemalaya, pinipintas-pintasan
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2013 - 12:00am

Puro pintas ang naririnig ko sa isang pelikula na ipalalabas sa Cinemalaya na dinirek ng isang batikan.

Hindi raw ito ang ini-expect nilang resulta ng pelikula na tungkol sa isang kontrobersiyal na personalidad. “Walang emotional impact,” comment ng isang nakapanood na sa naturang pelikula.

Nababawan sila sa kuwento at wala raw siyang naram­daman habang pinapanood hanggang sa matapos ito.

Nag-focus daw kasi sa kuwento ng isa sa mga persona­lidad na kasali at nakalimutan na ang totoong gusto nilang palabasin sa pelikula.

Bukod sa kuwento, hindi na rin daw believable ang ilang eksena. Hindi na raw nangyayari ‘yun.

At hindi lang iisa ang napapangitan sa pelikula ha. Majo­rity sa mga nakapanood na, nacha-chakahan.

Sayang naman kung ganun. So anong nangyari kay direk?

Nabawasan na ba ang galing niya?

Sayang daw dahil magagaling ang mga artista nito pero talagang walang matinding dating sa manonood.

Derek excited kay marian!kampo ni Marian nakikipag-usap sa TV5?

Hindi totoong inililihim nang bagong programa ni Derek Ramsay na Undercover sa TV5.

In fact the other night ay nagpatawag sila ng presscon para sa mga lalaking bida rito – Derek, Phillip Salvador, and Wendell Ramos.

Kesyu-kesyo raw kasing inililihim ang nasabing palabas na umeere na for almost three weeks. Follow up ito ni Derek sa matagumpay na Kidlat.

He plays the role Roy, ang lalaking gagawin ang lahat makuha lang ang minamahal at katarungan.

Hindi na bago ang action kay Derek kaya walang problema sa kanya at parang minamani na lang niya ang mga action scenes.

Anyway, during the presscon ay nabanggit ni De­rek na sakay sana talaga sila ng manager niyang si Joji Dingcong sa bumagsak na Asiana Airlines sa San Francisco Airport.

Pero nagbago raw ang isip ng manager dahil mara­ming stopover ang Asiana kaya nag-PAL na lang sila.

Samantala, willing na willing si Derek na gawin ang pina-planong movie nila ni Marian Rivera. Actually matagal na itong nababalita na may pagsasamahan silang pelikula na diumano ay ipo-produce ng TV5 at Regal Films. Pero ayon kay Derek wala pa siyang natatanggap na offer though may mga nariri­nig-rinig na siya.

Nagkita kamakailan sila ni Marian sa New York at doon ay ni-remind daw ng aktres ang nasabing plano. Hmmm, hindi kaya sign din ang nasabing pelikula sa isyung masinsinan ang pakikipag-usap ng kampo ni Marian sa TV5 sa posibleng paglipat nito?

Bukod sa Undercover nag-start na rin siya ng pelikula sa Viva Films with Cristine Reyes, Heart Evangelista, and John Estrada directed by Elwood Perez.

Grabe raw ang pelikulang ito. May pagka-psychotic ang role. Parang  Fatal Attraction daw ang movie na wala pang schedule kung kailan ipalalabas.

Anyway, isang factor si Derek kaya pumayag si Phillip Salvador na makasama sa Undercover.

Galing na galing siya kay Derek dahil kakaiba raw ito pag nasa trabaho na.

Napapanood ang Undercover gabi-gabi sa TV5, 7:30 p.m.

Lovi itinanggi ang balikan nila ni Cong. Ronald Singson

Nangiti lang si Lovi Poe nang tanungin siya kung anong reaction ngayong makakabangga ng kanyang sisimulang serye sa GMA 7 na Akin Pa Rin ang Bukas ang Muling Buksan ang Puso na ang isa mga bida ay si Ms. Susan Roces. “Ay ‘yun po ba. No comment,” nakangiting sabi ng Primera Aktresa ng Kapuso Network.

Pero hindi pa nagti-taping si Lovi para sa Akin Pa Rin ang Bukas dahil abala rin siya sa ginagawa niya pang show sa GMA News TV na may pamagat na Titser.

Bukod dito kasama rin siya sa pelikulang Lihis na bida sina Jake Cuenca at Joem Bascon.

Anyway, honored si Lovi sa ibinigay sa kanyang title na Primera Aktresa.

“Sabi ko nga, may mga bagay na nabibigay sa ’yo na nahihiya kang tanggapin. Nung nangyari ’yun, parang na-feel ko,  ‘Ano bang ginawa kong tama?’’’  tatawa-tawang sabi ni Lovi kahapon nang makipagtsikahan siya sa entertainment press.

At dahil sa bagong title, napi-pressure siya sa kanilang serye.

Samantala, nagre-reinvent si Lovi ngayon at nag-decide na ‘wag na munang magpa-sexy. Nagkasunud-sunod daw ang pagpapa-sexy niya kaya gusto niyang mag-concerte sa drama.

Idinenay din ni Lovi na nagkabalikan sila ng ex boyfriend na si Cong. Ro­nald Singson. Pero aminado naman siyang nagkikita sila dahil pareho sila ng set of friends.

 

AKIN PA RIN BUKOD DEREK LOVI PELIKULA PERO PHILLIP SALVADOR
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with