JM inayawan ang San Pedro Calungsod, nanganganib na ring ’di makasali sa filmfest
Jun Nardo (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tatay na mismo ni JM de Guzman ang nagkumpirmang umayaw na ang anak na gawin ang filmfest entry na San Pedro Calungsod na base sa pinakahuling santo na Filipino. Health reasons ang idinahilan ng ama base sa naglabasan sa Internet.

Tsansa na sanang muli ni JM na maibangon ang career matapos siyang bigyan ng mala­king break sa Angelito: Ang Batang Ama ng ABS-CBN. Eh, matagal din bago siya nabiyayaan ng magandang break pero ang lahat ng ito ay naglaho. Wala naman ka­sing inilabas na rason ang young actor kaya pawang espekulasyon lang ang naglalabasan sa media.

Problemado tuloy ang producer-director na si Francis Villacorta kung sino ang ipapalit kay JM. Eh swak na swak pa naman ang features ni JM sa features ni San Pedro Calungsod kaya mahihirapan din siya.

Kung sakaling mag-back out, ang pang-siyam na finalist ang papalit na entry. Nangyari na ito noon nung mag-back out si Robin Padilla sa isang festival dahil sa kakulangan sa oras. Pero nagbayad siya ng fine, huh! Looks like magiging ganoon din ang kapalaran ni Villacorta kung sakaling magdesisyon siyang mag-back out sa December filmfest.

                                                

 

ANG BATANG AMA FRANCIS VILLACORTA GUZMAN NANGYARI PERO PROBLEMADO ROBIN PADILLA SAN PEDRO CALUNGSOD
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with