^

Napuno ang venue sa California concert: Anne naka-level sina Cyndi Lauper at Kelly Clarkson sa bentahan ng tiket!

(Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kayang-kaya ni Anne Curtis na ma-entertain ang mga tao hanggang US sa kanyang ginanap na soldout shows. Nagpa-sample ang actress-singer sa Annebisyosa: No Other Concert World Tour sa kanyang two-night engagement sa Pechanga Theater sa California noong June 15 at 16.

Sina Cyndi Lauper, Kelly Clarkson, at ang bandang Daughtry lang naman ang ilan sa mga nakapuno sa 1,200-seat theater na isang popular concert venue sa mga American star. Si Anne ang kauna-unahang Filipino artist na nakapagbenta ng mga tiket doon na kapareho ng presyo ng American headliners.

Kaya naman sobra ng saya ni Anne sa naging turnout ng kanyang first-ever solo concert sa US.

“This is another dream come true for me. I thank all of you from the bottom of my heart for taking time out from your busy schedules to spend some time with me,” sabi ng Fil-Australian actress nung unang gabi ng kanyang concert.
Tulad sa ginawa niyang phenomenal concert sa Smart Araneta Coliseum nung January 2012, ginulat ni Anne ang crowd sa kanyang magagarang costumes, magagaling na dancers, at sariling bersiyon ng big hits tulad ng Someone Like You at Alone. Nakipagbiritan din siya sa duet nila ng special guest na si Nina.

Annebisyosa: No Other Concert ay production ng Viva Concerts. Para sa booking inquiries, tumawag lang sa Viva Artists Agency sa 687-7556 at sa Viva Live sa 634-5994.

 

ANNE CURTIS ANNEBISYOSA KELLY CLARKSON NO OTHER CONCERT NO OTHER CONCERT WORLD TOUR PECHANGA THEATER SI ANNE SINA CYNDI LAUPER SMART ARANETA COLISEUM SOMEONE LIKE YOU VIVA ARTISTS AGENCY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with