Asawang congressman hinihintay magsalita sa pagbaril sa sarili: Dahil sa mga pinagdaraanan, Daiana tumanda na ang hitsura
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 29, 2013 - 12:00am

Hindi pa tapos ang mga drama sa buhay ni Daiana Menezes dahil sa alleged suicide attempt ng kanyang dyowang si outgoing Congressman Benjo Benaldo ng Cagayan de Oro.

Dahil sa pagbabaril sa sarili, binuhay ni Papa Benjo ang isyu na diumano ay battered wife si Daiana. Kanya-kanyang kuru-kuro ang madlang-bayan. May mga nagsabi na kung nagawa ni Papa Benjo na saktan ang sarili, capable rin siya na saktan ang kanyang dyowa.

Mahirap mag-isip ng kung anik-anik dahil sina Papa Benjo at Daiana lamang ang nakakaalam sa the truth and nothing but.

Hintayin natin ang pagsasalita ni Papa Benjo na nakaligtas sa tama ng bala ng baril kaya maikukuwento niya ang mga tunay na pangyayari. Nagtangka ba talaga siya na magpakamatay o may ibang tao na bumaril sa kanya?

Bagets pa si Daiana pero tumanda ang kanyang hitsura mula nang mag-post siya sa Ins­tagram ng mga hinagpis niya sa buhay.

Nag-mature ang face ng Brazilian model-actress at hindi maipagkakaila na may pinagdaraanan siya.

Sa kabila ng mga emote ni Daiana laban sa kanyang asawa, dinamayan niya si Papa Benjo nang isugod ito sa ospital. Siguro nga, true love ang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Soulmates baga.

Vilma tatlong taon pang mag-iisip ng plano sa pulitika

Congrats kay Vilma Santos na magsisimula sa Lunes ang third at last term bilang gobernadora ng Batangas.

May mga tsismis na kakandidatong senador at vice president si Mama Vi sa 2016 pero napakaaga pa para pag-usapan ang kanyang political plans.

Mas gusto ni Mama Vi na mag-concentrate sa paglilingkod sa kanyang mga kababayan sa Batangas. May tatlong taon pa siya para mag-isip at magdesisyon sa mga gagawin sa 2016, sa tulong ng kanyang mentor at loving husband na si Sen. Ralph Recto.

Lovi bibisita uli sa Startalk

Si Lovi Poe aka Primera Aktresa ang special guest ngayong hapon sa Startalk.

May kinalaman sa coming soon teleserye ni Lovi sa GMA 7 ang pag-apir niya sa Startalk.

Matagal na panahon na hindi nag-guest si Lovi sa aming show kaya dapat abangan ang paglabas niya ngayong hapon sa Startalk.

BATANGAS CONGRESSMAN BENJO BENALDO DAIANA DAIANA MENEZES KANYANG LOVI MAMA VI PAPA BENJO STARTALK
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with