_ngayon
^

PSN Showbiz

Malacañang nagsalita na sa PSG ni AiAi

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ay idinenay pala ng Malacañang na binigyan nila ng PSG (Presidential Security Group) escort si AiAi delas Alas.

Hindi raw ‘yun totoo at hindi raw kinausap ni Kris Aquino si Presidente Noynoy Aquino para sa mga naturang PSG.

“I spoke to Gen. Dizon and we have not assigned any PSG member to her, neither has he received any instructions to do so,” ayon kay Ms. Abegail Valte, Presidential Spokesperson.

Consistent kasi ang balitang nakikita ang PSG na nakabuntot kay AiAi matapos itong ibunyag ang problema nila ng dating asawang si Jed Salang at kasuhan ito dahil sa pananakit sa komedyana.

So sino kaya ang mga sinasabing PSG na kasama ni AiAi?

Sarah kinakarir ang pagiging coach, hinay-hinay muna sa acting

“Hinay-hinay na muna tayo sa acting, dito muna tayo sa pagiging mentor.

“Very challenging, mahirap, pero alam kong marami akong matutuhan dito, maggu-grow ako dito,” sagot ni Sarah Geronimo nang banggitin sa kanya kung anong reaction at naurong ang pagsisimula ng drama anthology sanang Sarah G. Presents.

Nauna nang napabalita na sa November na ito eere, na originally ay dapat noong isang buwan pa nagsimula. Kaso raw ay naging abala na sila sa The Voice of the Philippines kung saan isa siya sa mga coach.

“Masarap sa pakiramdam na makakatulong ka na matupad naman ang pangarap ng ibang tao. Buong-puso kasi ‘yung sincerity natin na makatulong,” sabi ni coach Sarah sa isang interview.

Anyway, magkakaroon si Sarah ng 24/SG concert sa June 28   sa Bacolod na gaganapin St. La Salle Coliseum with special guests, Bamboo, Ronnie Liang and Michelle O’Bombshell.

Hindi katulad nang magsama sila ni Angelica sa pelikula

Angel nagaanang kasama sina Bea, Toni at Shaina

Ayon sa mga bida ng upcoming light family movie na idinerek ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina na sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Enchong Dee at Shaina Magdayao  tatak Star Cinema ang Four Sisters And A Wedding dahil kuwento ito ng isang karaniwang pamilyang Pilipino.

Ayon kay Bea, na gaganap sa istorya bilang ang second child na si Bobbie, malaking karangalan para sa kanilang lahat na maging bahagi ng kick-off movie offering ng Star Cinema para sa 20th anniversary celebration nito.

“I’m sure, at least sa isang character sa pelikulang ito ay makaka-relate ka,” ani Bea. “Istorya kasi ito ng limang magkakapatid na nag-grow apart because they went to different places and pursued different careers. Ang tanong, kapag pinagsama-sama ba sila dahil sa isang selebrasyon kagaya ng isang wedding, ganoon pa rin ba sila ka-close tulad ng dati?”

Kuwento naman ni Toni, proud silang lahat sa konsepto ng pelikula dahil sinasalamin nito ang tunay na pinagdaraanan ng mga ordinaryong pamilya. “Parang sa isang normal na pamilya talaga namang may comedy, may drama, at minsan may action pa,” pahayag ni Toni na bibigyang buhay ang karakter ng panganay ng Salazar family na si Teddie. “Sa movie na ito natutunan ko na you can choose your friends and the people you wanna hang out with, but you can never choose your family. Binigay sa iyo ‘yan. Kaya kung anuman ‘yung kakulangan ng isa sa inyo, kailangan mong tanggapin at mag-adjust ka. Kasi at the end of the day, ‘yan ang foundation kung sino ka. Iiwan ka ng lahat, ang pamilya mo, hindi.”

Tulad ng Salazar siblings, mistulang magkakapatid na rin ang turingan ng limang bida ng Four Sisters And A Wedding.

Ayon kay Angel, na gaganap bilang ang ikatlong anak na si Alex, ‘sobrang saya’ nila habang nagtatrabaho.

“Sobrang saya sa set namin. Ang gaan ng pakiramdam. Walang pa-star, walang pa-diva, walang nag-iinarte. Lahat kami parang same ‘yung passion sa ginagawa namin at pati sa humor same rin,” pahayag ni Angel. “Ang naging challenge lang sa aming lahat ay kung papaano magiging pare-pareho ‘yung certain styles namin, tulad ng sa pagsasalita, bilang magkakapatid ang cha­racters namin dito. Pero pagdating sa ganun, ang genius talaga ni Direk Cathy kasi sobrang bantay niya kami kahit ang dami at ang ingay namin.”

Malapit naman sa puso ni Shaina ang kuwento ng Salazar family dahil mayroon ring four sisters ang Magdayao family. “Ako mismo nakaka-relate since apat kaming magkakapatid na babae at bilang bunso I always see them as women of grace and strength, my superwomen,” aniya. “At tulad ng family namin sa movie, ‘yung pamilya ko sa real life ay hindi naman perpekto pero nagpapasalamat ako dahil hindi nawawala ‘yung pagmamahal at respeto namin sa isa’t isa especially sa mga magulang namin and for that I am very, very blessed and thankful.”

Meaning walang puwedeng gawing intriga sa kanilang apat hindi katulad  kina Angel at Angelica Panganiban noon na nagka-isyu dahil diumano sa attitude ni Angelica.

Showing na sa June 26 ang pelikula.

Lexi namiligro ang buhay nang atakihin ng asthma

Nagpapasalamat ang actress na si Maritoni Fernandez sa mga nagdasal at mabilis na dumalaw sa anak niyang si Lexi nang atakihin ng matinding asthma.

Sobrang takot ang naram­daman ni Maritoni sa nangyari sa anak nang dadalhin na nila sa hospital ay halos ma­ging kulay asul na ito.

“Last night at around midnight my Alexia had a terrible asthma attack and we rushed her with the intent of going to St Luke’s hospital in QC but on our way, her airway passage completely shut down and she started turning blue in the car. Nothing can ever describe the feeling of helplessness I felt at the time. As I panicked, our ever faithful driver/tatay Mode had the presence of mind to get us to the nearest ER from where we were instead, which was the little hospital called Capitol Medical Center on Quezon Avenue.

“Angels must’ve been guiding us because as soon as we got there, the ER consultant Dr. Clifford Bareng knew exactly what to do, without batting an eyelash he performed all the emergency procedures needed to help Lexi get oxygen into her lungs and brain again and in a nutshell, saved our Lexi’s life. We will never forget you and the rest of your ER team!,” mahabang kuwento ni Maritoni sa kanyang Facebook account kahapon.

AYON BEA FOUR SISTERS AND A WEDDING LEXI NAMIN SALAZAR STAR CINEMA TONI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with