Kahit sinabayan ang Superman Dance of the Steel Bars palabas pa rin sa SM Cinemas, patuloy na pinag-uusapan
SVA (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Dahil sa magagandang reviews at naging top Philippines’ trending topic sa twitter, ang international independent film na Dance of the Steel Bars na bida si Dingdong Dantes ay patuloy na mapapanood sa mga SM Cinemas (Megamall, North Edsa, Fairview, Marikina, Manila, Sta. Mesa, Southmall, Molino, Bacoor, Rosales, Cebu, Iloilo, Lanang).

Kahit na bumangga sa higanteng pelikulang Man of Steel, maraming Pinoy ang tumangkilik dahil sa magandang kwento at galing ng mga artistang kasama sa nasabing pelikula. 

Balita rin na isasali ang nasabing pelikula sa mga international film festivals.

Samantala, mag-uumpisa nang maghanda si Dingdong Dantes para sa kanyang gagawing primetime series sa Kapuso Network, ang Genesis.

Labanan ng indie films sa Urian, dikit na dikit!

Dikit na labanan ang magaganap sa pagitan ng mga pinakamahusay na pelikula nung nakaraang taon sa   36th Gawad Uwian Awards na magaganap ngayong gabi.

Magsisilbing host sa gabi ng parangal sina Richard Gomez, Cherie Gil, Butch Francisco, Iza Calzado at Xian Lim.

Isa sa mga award na inaabangan ng lahat ay ang Best Actress award, kung saan maglalaban sina Jodi Sta. Maria (Aparisyon), Nora Aunor (Thy Womb), Alessandra de Rossi (Baybayin), Assunta de Rossi (Baybayin), Gina Alajar (Mater Dolorosa), Ama Quiambao (Diablo), Sharmaine Centenera-Buencamino (ReQuieme), Olga Natividad (Mga Dayo) at Liza Dino (In Nomine Matris).

Sa kategorya rin ng Best Actor ay dikit din ang labanan. Kasama rito sina Jericho Rosales (Alagwa), Coco Martin (Sta Nina), Eddie Garcia (Bwakaw), JM de Guzman (Intoy Shokoy), Nico Antonio (Posas), Kristoffer King (Oros), Dominic Roco (Ang Nawawala), Joem Bascon (Qwerty), Bembol Roco (Thy Womb), Adrian Sebastian (Baybayin), ang taga-Thailand na si Ananda Everingham (Kalayaan), Anthony Falcon (ReQuieme), at ang batang si Deuel Raynon Ladia (Anac ti Pating).

Kasama naman sa Best Film ang Thy Womb,  Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim, Baybayin, Bwakaw, Colossal,  Diablo, Mater Dolorosa, Oros, at  Posas.

Ang Gawad Urian Awards ay resulta ng pagsasanib-puwersa ng pinaka-beteranong organisasyon ng film critics sa bansa, ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino, at  ng Cinema One. At ang kanilang misyon : makiisa sa paghahatid ng dekalidad ng pelikulang Pilipino, kilalanin ang husay ng gawang atin, at ihatid ang mga ito sa mas mataas na lebel.

Magaganap ang 36th Gawad Urian Awards ngayong ika-18 ng Hunyo, 6:00 ng gabi sa NBC Tent, Bonifacio Global City, Taguig. Mapapanood ito sa telebisyon sa Cinema One sa Hunyo 22 ng 3:00 p.m. at 11:00 p.m., Hunyo 23 ng 10:00 p.m., at Hunyo 26 ng 7:00 p.m.

Pawang indie films ang maglalaban-laban.

Kilala ang Gawad Urian na kumikilala sa indie films.

OA raw sa The Voice Lea pinatulan ang mga namimintas

Trending naman hanggang kahapon ang Team Sarah (Geronimo) ng  The Voice of the Philippines. Ito ay matapos siyang piliin ng rocker na contestant kesa sa mga kapwa niya coach na sina Lea Salonga and Bamboo. Ito ang kauna-unahan niyang iko-coach.

Sa rami ng fans ni Sarah, kaya trending-trending agad siya sa Twitter.

At kung nag-trending ang Team Sarah, may mga nag-ookray naman sa style ni Ms. Lea. Masyado raw itong OA at acting na acting. Masyado daw siyang pa-class na hindi masyadong masakyan ng mga masa na manonood.

Pero hindi sila pinalampas ni Lea : “Haters­ gonna hate, and that’s fine and good. But don’t tag me. It’s like taking a dump then asking me to look at it. Rude,” sabi niya sa kanyang Twitter account.

Kilalang mapagpatol si Lea.

KC may tinitingnang picture tuwing may mabigat na eksena

Hindi napilit si KC Concepcion na sabihin kahapon sa The Buzz kung kaninong litrato ang tinitingnan niya para ma-motivate sa kanyang role bilang kontrabida sa serye nila ni Judy Ann Santos na Huwag Ka Lang Mawawala.

Ibubuko sana kasi nina Toni Gonzaga at Charlene Gonzales na nag-i-interview sa kanila nina Judy Ann Santos at Sam Milby ang tungkol sa nasabing picture na tinitingnan ni KC para mapanindigan ang pagiging kontrabida niya, kaso parang hindi siya ready kaya hindi na pinilit nina Toni at Charlene na uriratin ang tungkol sa nasabing picture pag gustong ma-motivate sa kanyang role sa naturang serye ng ABS-CBN na nagsimulang umere kagabi.

Actually, parang sa tingin lang niya ay pinakiusapan niya ang dalawa na ‘wag na siyang tanungin tungkol doon.

Nagulat nga siya na alam ito nina Toni at Charlene.

 

 

BAYBAYIN CINEMA ONE DINGDONG DANTES HUNYO JUDY ANN SANTOS MATER DOLOROSA THY WOMB
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with