Jake gustong pagkakitaan ng iba
THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2013 - 12:00am

Itong si Veronica (Samio), kung anu-ano ang napupulot na intriga! Tanungin ba naman ako kung totoong aalis na sa kandili ko si Jake Vargas. Ba­litang-balita raw ito, at bakit hindi ko alam? Siguro dahil hindi totoo.

Wala akong maisip na dahilan para magkaroon ito ng kaganapan. Marami naman akong nakukuhang trabaho para kay Jake. Hindi lang sa TV kundi para rin sa pelikula. Nakagawa na siya ng dalawang indie films under Neil Buboy Tan na kasalukuyang umiikot ng bansa. Soon sa labas naman ito ng Pilipinas ipapalabas. Marami rin siyang sked sa mga malls. Kararating lang namin ng bansa mula sa US where he taped for Pepito Manaloto. May mga magsisimula pa rin siyang serye. Kabibili lamang niya ng kanyang ikalawang sasakyan. Kailangan niyang magsipag para agad itong mabayaran at ma­dagdagan ang ipon niya sa bangko. Masaya naman siya sa areglo namin. Kaya paano ko iisipin na nagbabalak siyang kumawala sa aking pangangalaga?

Pero madali lamang kung gugustuhin niya, wala naman kaming kontrata. Ayaw ko lang ng lihiman. Magsabi lang siya kung gusto niyang sumubok ng ibang manager at madali kaming magkakaintindi­han. Pero maging siya ay nagtataka kung saan nang­­gagaling ang ganyang mga balita. Meron lang sigurong interesado sa kanya at gusto siyang pagkakitaan.

Kilig kina Dennis at Tom hindi peke

Hindi peke ‘yung kilig ng mga taga-Unang Hirit kina Tom Rodriguez at Dennis Trillo nang mag-guest ang dalawa sa  kanilang programa. Hindi la­mang ang mga host ng nasabing morning show ang kinikilig sa dalawang aktor kundi maging sa teleserye nila na gabi-gabi ang nagti-trending sa internet. Wala yatang beki ang hindi nakatutok sa serye at relate na relate sila, lalo na sa pagpipigil ng character ni Tom na lumabas ang tu­nay niyang pagkatao. Awang-awa nga sila kay Carla Abellana na nakatakda sa isang major heartbreak!

UKG may sariling the voice

Masaya naman ‘yung ginanap na The Voice of UKG nung Biyernes ng umaga na kung saan ay nagkaroon ng isang sort of singing contest ang mga host ng UKG. Bukod sa nagbihis ang lahat ng ka­sali, Bernadette Sembrano-Aguinaldo, Winnie Cordero, at  isa pang host na hindi ko maalala ang pangalan, ay talaga namang kinarir nila ang pagkan­ta. Si Bamboo ang nagsilbing coach nila. Meron silang live band at back-up singers. Nanalo si Winnie Cordero, pero sumemplang ang boses niya nang ulitin niyang kantahin ang kanyang winning piece na Bakit Ako Mahihiya. Of course, ang lahat ng kaganapan ay bahagi ng promosyon ng sisimulan nga­yong araw, ang  The Voice of the Philippines. 

 

BAKIT AKO MAHIHIYA BERNADETTE SEMBRANO-AGUINALDO CARLA ABELLANA DENNIS TRILLO JAKE VARGAS MARAMI SHY WINNIE CORDERO
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with