KC hindi nakapalag nang gawing kontrabida ni Juday
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Magkahalong excitement at kaba ang nara­ram­­daman ng Queen of Pinoy Soap Opera na si Judy Ann Santos para sa nalalapit na pagsisimula ng kanyang inaabangang comeback Primetime Bida teleserye sa ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala.

“Hindi ko mai-explain ng maayos kung ano ‘yung nararamdaman ko pero sobrang flatte­ring para sa akin ang pagdating ng proyektong ito sa buhay ko, at sobrang nagpapasa­lamat ako sa ABS-CBN dahil for the longest time nandiyan lang sila lagi para suportahan ako at bigyan ako ng magagan­dang pro­jects,” ani Judy Ann.

Ayon sa aktres, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang Huwag Ka Lang Ma­wa­wala dahil sa kaibahan ng kuwento nito sa mga teleserye na kanyang pinagbidahan. “Ang ganda kasi ng story dahil tungkol ito sa women empowerment. Ipinaglalaban nito ang mga karapatan ng mga kababaihan, at ipapakita nito ang kakayahan ng lahat para lumaban para sa mga prinsipyong ating pinanghahawakan.”

Ayon kay Judy Ann, na tinatawag bilang Queen of Pinoy Soap Opera, ang itinuturing niyang susi sa kanyang tagumpay ay walang iba kundi ang kanyang pagpapahalaga niya sa kanyang craft.

 â€œPara sa akin kasi wala namang tunay na sikreto para ma-maintain mo ‘yung status mo sa industry. Siguro basta mahal mo ‘yung ginagawa mo at ‘yung mga katrabaho mo, at kung ni­rerespeto mo ang lahat ng taong nakakasama mo, hindi mawawala ang suporta at pagmamahal ng mga tao sa iyo,” pahayag niya.

Bahagi ng pagdiriwang ng 60 taon ng Kapamilya Network ang Huwag Ka Lang Mawawala kung saan bibigyang buhay ni Judy Ann ang karakter ni Anessa Panaligan (Judy Ann), isang palabang babae at ulirang anak na handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya.

At mismong si Juday ang nagsabi kay KC Concepcion na magiging kontrabida siya sa kanilang serye. Actually, nang tanggapin daw kasi ni KC ito, hindi nito alam na siya ang kontrabida. Kaya naman tinapat daw niya ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na kilalang ‘kapatid’ ni Juday.

Sa umpisa medyo nag-worry daw si KC pero sinabi niyang ito ang panahon para magkontrabida siya. “Sabi ko sa kanya, ito ’yung pinaka-tamang panahon at pinaka-tamang project para pumasok siya sa isang bagong karakter bilang isang kontrabida. Saka isa pa, hindi ba, parang sa panahon ngayon nire-reinvent mo rin ’yung ibibigay mong trabaho sa mga tao?

 â€œSo, ito ’yung perfect vehicle for KC talaga. Swak na swak sa kanya and with this role masasabi kong aktres talaga siya rito,” sabi ni Mrs. Ryan Agoncillo.

At bilang mga kontrabida maraming matitinding eksena ang dalawa as in meron silang sampalan.

 Magsisimula itong mapanood sa Hunyo 17 (Lunes) sa Primetime Bida ng ABS-CBN.  

GMA 7 nagpaliwanag sa gags tungkol sa rape na ipinantatapat sa mga batikos kay Vice

Nagpadala ng statement si Mr. Butch Racquel, Consultant to the Chairman and CEO for Corporate Communications, 
GMA Network Inc. tungkol sa kumakalat na video na kung saan ginawang subject din ang rape sa gag show nilang Bubble Gang. Siyempre ang sinasabi ng iba bakit nagre-react sila sa ginawa ni Vice Ganda kay Ms. Jessica Soho eh ginawa rin naman pala ito sa kanilang programa. Kaya naman agad nag-react ang GMA sa biglang lumitaw na video clips tungkol sa naipalabas sa Bubble Gang maraming taon na raw ang nakalipas.

Narito ang paliwanag ng GMA 7.

 â€œVideo clips of GMA Network’s Entertainment Program “Bubble Gang” have been circulating the past few days showing gags about rape. We would like to clarify that these video clips were aired some years back.  In fact, a concerned viewer called the attention of the Network regarding this and the production team of Bubble Gang right away apologized to her and has made it a policy never to tackle the said topic in any of its episodes thereafter.

Bubble Gang has been a top-rating and award-winning program of GMA 7 for almost 18 years. The Network hopes that the program will not be used to divert the attention of the viewers, netizens and the general public from a recent event which has irresponsibly made a joke of this serious topic.”                                     

BUBBLE GANG HUWAG KA LANG MAWAWALA JUDY ANN PARA PRIMETIME BIDA QUEEN OF PINOY SOAP OPERA SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with