^

PSN Showbiz

Angel at Phil ayaw sa magarbong kasalan

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Iseselebreyt nina Angel Locsin at Phil Younghusband ang kanilang first year anniversary ngayong May 27. Walang pagkakataong magkita ang dalawa dahil may laro si Phil sa Singapore kahapon, May 26 at baka ’pag matapos ang laban ay saka sila magseselebreyt ng nobya.

Ano ang sikreto kung bakit sila nagkakasundo?

“Mahalaga kasi ang respeto at komunikasyon. We care for each other at laging naroon ang suporta namin,” aniya.

Ayon pa rin kay Phil, wala silang selosan sa isa’t isa. Tanggap ng football star kahit may kissing scenes sa ibang leading men si Angel.

Malayo pa ang pag-aasawa sa dalawa pero in case na ikakasal sila ay type nila ang simpleng wedding. Ayaw nila ng magarbong kasalan.

Juana Change bibida na sa pelikula

’Kaaliw kausap si Mae Paner na kilala bilang Juana Change at bida sa indie film na Juana C: The Movie. Siya ’yung napapanood sa komersiyal ng Boysen Paint na pininturahan ang mukha at katawan dahil naimbiyerna ang asawa dahil sa kanyang pagiging bungangera. Ngayon ay may pelikula ito na isang sex-comedy pero tumatalakay din sa corruption, reproductive health, at iba pa tungo sa pagbabago ng bansa.

Nagsimula si Mae sa PETA at naging aktibista noong 1993. Nakalabas na siya sa stage sa The Vagina Monologues kasama si Monique Wilson. Ngayon ay excited na si Mae o Juana Change sa kanyang first movie.

Nakilala si Mae sa binuong Juana Change Move­­ment noong 2008 dahil sa mga matatapang na videos, live events, appearances, at short plays na nagbibigay ng socio-political awareness at nagdidiin sa love of country.

Angelu naniniwala sa bad luck

Tiyak na aabangan sa Teen Gen ang nalalapit na kasalan nina Peachy (Angelu de Leon) at Wacks (Bobby Andrews) kaso natatakot ang bride to be na baka magkaroon ng bad luck at ’di matuloy ang kasal.

Dahil sa mga pamahiin, dagdag pa ang isang issue ni Lucho (Luis Joaquin Torres IV) sa pagpapakasal nila kaya medyo hindi magkakaunawaan sina Peachy at Wacks. Matuloy pa kaya ang kasalan?

ANGEL LOCSIN

ANGELU

BOBBY ANDREWS

BOYSEN PAINT

JUANA C

JUANA CHANGE

JUANA CHANGE MOVE

LUIS JOAQUIN TORRES

MAE PANER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with