^

Mag-inang Inday at Claudine absent sa birthday ni Marjorie

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2013 - 12:00am

SEEN: Tahimik ang talent manager na si Popoy Caritativo tungkol sa mga akusasyon laban sa kanya ng dating talent na si Martin Escudero.

Mabigat ang akusasyon ni Martin na pinipigilan siya ni Popoy na dumalaw sa pamilya niya.

SCENE: Malalim ang sinasabing ugat ng away ni Popoy Caritativo at ng kanyang kapwa talent manager na si Perry Lansigan, ang manager ni Dingdong Dantes. Diumano, si Popoy ang source ng balita na gusto nang magpakasal kay Dingdong ni Marian Rivera kaya umalis ito sa kanyang kuwadra.

SEEN: Mali ang balita ng GMA Network News Online na isinilang si Bella Flores noong 1933 at namatay sa edad na 84.

Kung ipinanganak si Bella noong 1933, 80 years old lamang siya nang mamatay kahapon.

SCENE: Halos walang mababago sa cast ng bagong show na ipapalit sa Party Pilipinas ng GMA 7 dahil kasali pa rin ang ibang mga mainstay ng Sunday program na nagpaalam kahapon sa ere.

SEEN: Missing ang mag-inang Inday at Claudine Barretto sa birthday dinner ni Marjorie Barretto noong Sabado ng gabi.

Ang mga kapatid na kakampi nila ni Gretchen ang dumalo sa birthday dinner ni Marjorie.

SCENE: Pilit ang acting ni Martin del Rosario sa episode ng Maalala Mo Kaya noong Sabado. Ginampanan ni Martin ang role ng transgender na si Kevin Balot at may mga hinala na hindi komportable si Martin sa kanyang role dahil sa mga tsismis na kumukuwestyon sa pagkatao niya.

SEEN: SPG (Strong Parental Guidance) ang classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa episode ng Magpakailanman noong Sabado dahil masyadong sensitibo at mabigat sa dibdib ang kuwento ng child rape victim na kinunan ng video habang hinahalay.

SCENE: Manas ang mukha at katawan ni Aiko Melendez sa mga eksena niya sa Apoy sa Dagat.

 

AIKO MELENDEZ BELLA FLORES CLAUDINE BARRETTO DINGDONG DANTES KEVIN BALOT MAALALA MO KAYA MARIAN RIVERA POPOY CARITATIVO SABADO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with