Kahit hindi nakasama ang ekstra, Gov...Vi ginastusan ang dalawang direktor papunta sa Cannes
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2013 - 12:00am

Hindi man nakasali sa Cannes Film Festival ang unang indie film na ginawa ni Gob. Vilma Santos na dinirek ni  Jeffrey Jeturian, hindi ito nagkait ng tulong para makaalis patungong Cannes ang tatlo pang local movies natin na makikipag-kumpitensiya sa nasabing European filmfest. Ito ang On The Job ni Erik Matti na nagtatampok kina Piolo Pascual at Gerald Anderson, Death March ni Adolf Alix, Jr.  at ang pelikula ni Lav Diaz na Norte: Hangganan ng Kasaysayan. Nagbigay ng gastusin ang pulitiko/aktres sa mga nasabing pelikula para makabiyahe papuntang Cannes.

Samantala, ang Star Cinema mismo ang nag-alok ng tulong sa mga gumawa ng Ekstra na sila na ang magri-release ng pelikula sa bansa. Lubha itong nagandahan sa produkto ni Jeturian kung kaya hindi na ito nagdalawang isip na i-release ang pelikula locally.

Samantala, namamahinga pa ang gobernadora matapos ang nakakapagod na kampanya matapos siyang ma-elect na muli sa kanyang hinahawakang posisyon ng landslide.

Mas malaking TF ni Daniel hindi makatarungan

‘Yun bang komersiyal ng isang kape ang sinasabing pinalagan ni Robin Padilla dahil nalaman niyang higit ang kalakihan ng TF ng kanyang pamangkin na si Daniel Padilla kaysa sa kanya? Gaano man kasikat ang nakababatang Padilla ngayon, unfair nga naman na mas mataas ang maging TF niya sa kanyang tiyuhin. After all, mas senior ito, at nagtatamasa pa ng kasikatan hanggang sa ngayon. Isang malaking insulto nga naman kung ang bayad dito ay mas maliit kaysa kay Daniel.

Vice Ganda nagpapa-blowout kay Nancy Binay

Gusto ko naman ‘yung attitude ni Vice Ganda sa pagtanggap ng pagkapanalo ni Nancy Binay. Sa halip na dagdagan pa ang mga nauna na niyang sinabi tungkol dito, winelcome  na lamang niya ang pagkakasama nito sa Top 12  at hi­ni­­ling na mag-blowout na lamang ito.

Kasalang Chiz at Heart hinihintay na

Ngayong nanalong muli si Chiz Escudero bilang senador, sumunod na kaya sa kanyang proklamasyon ang pagpapakasal nila ni Heart Evangelista? Ito ang gustong masaksihan ng madla para lang mapatunayan na may katuturan ang ginawang pagpanig ng aktres sa pulitiko laban sa kanyang mga magulang. Nasa edad na naman si Heart para mag-asawa at kaya na siyang suportahan  ni Chiz . O baka naman si Heart ang hindi maiiwan ang kanyang pag-aartista?

Pasasalamat

Nagpapasalamat ako sa mag-asawang Harry at Nini Temperante for going out of their way para accommodate kami ng pamilya ko sa kanilang Kubo ni Aling Ising resort sa Indang, Cavite recently.

Isinara nila ang resort nila for a day para ma-accommodate kami ng pamil­ya ko at ilang dating kasamahan sa trabaho sa Atlas Publications for a day. Ang ganda ng lugar, nagsawa kami sa pagkain ng mangga, bayabas, langka, saging. May mini zoo sa loob, may bilyaran, bukod pa sa isang malaki at napaka-linis na swimming pool.

Go kayo, sa ibang araw yata ay tumatanggap sila ng mga vacationists, excursionists at mga events tulad ng weddings, anniversaries, parties, seminars at kung ano ano pang events.

 

ADOLF ALIX ALING ISING ATLAS PUBLICATIONS CANNES FILM FESTIVAL CHIZ ESCUDERO NANCY BINAY VICE GANDA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with