_ngayon
^

PSN Showbiz

Concert ng Aerosmith dinumog, ibang fans galing pa ng abroad

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Dinumog ng foreign at Filipino fans ang concert ng Aerosmith sa The Arena noong Miyerkules. Nanggaling sa ibang bansa ang ibang fans upang mapanood ang concert ng Aerosmith.

SCENE : Most applauded sa Aerosmith concert ang pag-awit ni Steven Tyler sa I Don’t Wanna Miss A Thing, ang theme song ng 1998 movie na Armageddon.

SEEN: Madalas na i-replay sa My Ghost Story Asia ng Biography Channel ang ghost story ng Sexbomb Dancers na nagke-claim na sinapian ng kaluluwa ng isang babae ang kanilang dalawang miyembro.

SCENE: Ang obserbasyon na katanggal-tanggal ang Friday night talk show ni Martin Nievera sa ABS-CBN dahil walang bago sa kanyang mga sinasabi at ginagawa. Masakit man, dapat tanggapin ni Martin na panahon ngayon ni Vice Ganda.

SEEN: Hindi pa inaalis ng mga administrator ng ilang blogs ang kakulay.blog.com, scoopboy.com at entervrexworld.wordpress.com ang nude photos ni Marjorie Barretto sa kabila nang babala ng kanyang lawyer na si Atty. Lorna Kapunan na sasampahan ng kaso ang mga maglalabas at magre-repost sa Internet ng malalaswang litrato ng actress-politician sa bisa ng Republic Act 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act).

SCENE: May meet-and-greet ang cast ng Bromance ng Skylight Films sa Trinoma sa  May 12, 6:00 pm. Launching movie ni Zanjoe Marudo ang Bromance.

SEEN: Ang kuwento ni  Senatoriable Nancy Binay na paborito ng kanyang mga anak si Vice Ganda. Mahihiya si Vice Ganda kapag nalaman nito na hanga si Nancy sa talent niya at wala itong sinabi na masama laban sa kanya.

 

 

AEROSMITH ANTI-PHOTO AND VIDEO VOYEURISM ACT BIOGRAPHY CHANNEL BROMANCE I DON LORNA KAPUNAN MARJORIE BARRETTO MARTIN NIEVERA VICE GANDA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with