Luis tanggap na hindi leading man Material
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 29, 2013 - 12:00am

Noong Sabado ay si Edu Manzano ang naging panauhin ni Luis Manzano sa Kapamilya Deal or No Deal para sa espesyal na selebrasyon ng kaarawan ng anak. Ayon kay Luis ay nagpapasalamat siya sa ama dahil malaki ang naitulong nito sa kanya upang maging­ isang ganap na TV host. Sampung taon na ngayon sa industriya si Luis at aminado ang binata na talagang malaki ang paghanga niya kay Edu bilang isang magaling na host.

“Sana kahit paano naabot ko na ’yung katulad ng sa kanya kasi kung paano ako tinitingnan ng mga kabataan ngayon gano’n din tinitingnan si Daddy. Even up to now, ‘pag iniisip ko paano atake ni Daddy sa mga game show, I will forever look up to him. There will never be the next Edu Manzano. I can only aspire to be half of what he has achieved. It’s very flattering,” paliwanag ni Luis.

“I’m very happy sa daddy ko. Hinahayaan niya ako. Looking back, wala pa nga siya yatang ibinibigay na advise sa akin pero deep inside I know he’s observing and he wants me to learn and grow on my own which is the best way to do it. Siguro I can come to ask him for advice. Do’n niya ibibigay ’yun. There’s no better way than watching me learn, grow, make a mistake, bounce back. Even up to now kapag kaming dalawa ang magkasamang nagho-host sa corporate events, minsan natitingalngal ako. Pinapanood ko lang siya. I can talk for many hours pero once my dad starts talking, nagbibigay ng punchlines, nananahimik lang ako,” nakangiting kuwento ni Luis.

Masaya raw ang aktor sa takbo ng kanyang career bilang host at tanggap niya na hindi siya talaga leading man material. 

Kim gagawa ng comedy ala-Eugene Domingo

Naging kontrobersiyal kamakailan ang isang larawan ni Kim Chiu na kanyang nai-post sa Instagram. Naka-two piece swimsuit ang aktres sa nasabing larawan kaya pinag-usapan ito nang husto.

“Side view lang naman ’yun pero kapag full view iba na ibig sabihin nun. Wala lang, since twenty three na ako siguro puwede na. Hindi na sila magsasabi na hindi pa dapat, bata pa, dapat ganyan-ganyan. One angle lang ng body ko, ’di mo nga kita ’yung tiyan ko eh. Legs lang,” nakangiting paliwanag ni Kim.

Handa pa rin kaya ng dalaga na mag-pose para sa isang men’s magazine na katulad ng ginawa ng kanyang kaibigang si Melissa Ricks kamakailan?

“Hindi pa. Huwag naman muna. Okay pa ako ng ganito,” giit ni Kim.

Samantala, bukod sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak ay abala rin ang aktres sa isang bagong pelikula kung saan ay katambal niya si Xian Lim.

“It’s a rom-com (romantic comedy) directed by Binibining Joyce Bernal under Star Cinema. Sobrang iba. Akala ko ako si Eugene Domingo. Si Direk Joyce akala niya ako si Eugene Domingo,” paglalarawan niya.

Reports from JAMES C. CANTOS

AKO BINIBINING JOYCE BERNAL EDU MANZANO EUGENE DOMINGO KAPAMILYA DEAL KIM CHIU LUIS LUIS MANZANO MELISSA RICKS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with