Hindi pala sa TV5: Lovi sa ABS-CBN umapir
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2013 - 12:00am

Umapir si Lovi Poe sa Bandila noong Biyernes ng gabi para i-promote ang The Bride and the Lo­ver ng Regal Entertainment, Inc.

May mga nagmalisya na lilipat si Lovi sa ABS-CBN dahil sa guesting niya sa Bandila.

Malaya si Lovi na mag-guest sa ibang television network dahil natapos na ang exclusive contract niya sa GMA 7 noong March 13.

Maingay ang balita na lilipat si Lovi sa TV5 pero hindi niya kinukumpirma at hindi rin siya nagde-deny.

Regine babu muna sa PP at H.o.t TV

Kung tama ang pagkakaintindi ko, ngayon ang last day ni Regine Velasquez sa Party Pilipinas at H.O.T. TV dahil magbabakasyon siya.

Pinayuhan si Regine ng kanyang doktor na ipa­hinga ang boses na naapek­tuhan ng acid reflux.

Magtatagal ng isang buwan ang bakasyon ni Re­gine sa TV. Malamang na affected din ng pagbaba­kasyon ni Regine ang kanyang Saturday cooking show na Sarap Diva.

Mother Lily nag-promise kay God

Personal na inaasikaso ni Mother Lily Monteverde ang promo at publicity ng The Bride and the Lover pero hindi niya pinapagod ang sarili.

Maingat na maingat na si Mother sa kanyang kalusugan mula nang sumailalim siya sa lung surgery. Successful ang operation kay Mother at bilang pasasalamat kay God, nangako siya na ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga mahihirap.

Sa May 1 na ang showing sa mga sinehan ng The Bride and the Lover.

Maya’t maya na ang pagpapakita sa TV ng trailer ng pelikula na malaki ang potensiyal na maging blockbuster dahil malulutong ang mga dialogue at baklang-bakla ang mga eksena ng mga artista.

Hayden may sariling moment sa pagbabalik showbiz

Introducing sa The Bride and the Lover si Hayden Kho, Jr. May blessing ni Dr. Vicki Belo ang pagbabalik-showbiz ni Hayden na may sariling moment sa kanyang unang pelikula.

Masuwerte si Hayden dahil mahusay ang direktor niya sa kanyang first movie, ang award-winning director na si Joel Lamangan.

Jennylyn, Lovi, at Paulo sinisikreto ang mga karakter

Bongga ang May 1 playdate ng The Bride and the Lover. Bukod sa holiday ang May 1 dahil Labor Day ito, payday ang April 30 kaya may datung na pam­bayad sa sine ang moviegoers.

Sina Paulo Avelino, Jennylyn Mercado, at Lovi ang lead stars ng pelikula. Ayaw sabihin ng tatlo kung sino ang bride at ang lover. Panoorin na lamang daw ang pelikula para malaman ng manonood ang mga karakter na binigyang-buhay nila.

BANDILA BRIDE AND THE LO BRIDE AND THE LOVER DR. VICKI BELO HAYDEN LOVI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with