Ayaw ding mag-live-in, Luis at Jennylyn wala pa sa planong pakasal
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2013 - 12:00am

Wala pang ka-plano-plano sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano na magpakasal. “Bata pa ang anak, kailangan pa niya ng attention ng mother. She’s turning five lang, so mas­yado pang bata,” katuwiran ni Jennylyn nang makausap namin kahapon sa presscon ng pelikula nila nina Lovi Poe and Paulo Avelino na The Bride and The Lover under Regal Films na palabas na sa Mayo 1, Labor Day.

Ni hindi nga raw nila napag-uusapan ni Luis ang kasal. “Hindi talaga, not now,” dagdag niya.

Marrying age na si Luis kung tutuusin, 32. Pero si Jennylyn, 25 lang kaya wala pa raw talaga sa priorities nila ng karelasyon na Kapamilya actor.

“Alam naman niyang inaasikaso ko pa ang anak at pamilya ko. Kailangan nila ako,” dagdag pa niya.

So kung walang kasal, puwede kayang live in na lang sila?

“I don’t think mangyayari ‘yun. Sa bahay ko ako nakatira, bahay ko ‘yun. May anak ako na kailangang alagaan,” paliwanag sa isyung nagsasama na sila sa isang bahay.

Maging ang tungkol sa pulitika ay hindi rin nila napag-uusapan ng anak nina Gov. Vilma Santos and Edu Manzano. “Hindi ko naman siya tinatanong. Kahit nasa labas kami at may nagtatanong sa kanya, ngumingiti lang siya. Wala naman siyang sinasabi.

“Ako hindi naman ako nagtatanong. Parang nakakahiya naman kung itatanong ko ‘yun eh wala naman siyang sinasabi sa akin,” sagot niya kung totoong kakandidatong mayor sa Batangas ang kanyang karelasyon sa darating na local elections.

Pero handa raw siyang suportahan ito kung anuman ang magiging desisyon sa darating na panahon.

Eh siya, may balak bang maging pulitiko dahil ngayon ay maraming artista ang pumapalaot sa ‘serbisyo-publiko?’

“Wala po talaga sa isip ko ang pulitika. Hindi ako nagsasalita ng tapos, pero ngayon talagang wala sa isip ko ‘yan, malayo.”

Positive at blooming si Jennylyn kahapon nang makausap namin. Puna rin ni Ethel Ramos, maganda ang kinahinatnan ng career ni Jennylyn sa kabila nang mga pinagdaanan niya simula sa kanyang pagkabata.

At ang pagiging positibo ang isa sa mga natutuhan niya kay Luis, ‘yung positive aura at positive attitude na kitang-kita sa kilos at pananalita niya.

Dahil hindi pa nga nila napag-uusapan ang kasal ni Luis, kaya wala rin siyang dream  wedding.

May nag-suggest na bakit hindi na lang underwater wedding dahil pareho naman nilang hilig ni Luis ang diving. “Bakit hindi para maiba naman.”

Lovi bitin na bitin pa sa paglipat sa TV5

Bitin na bitin pa rin ang sagot ni Lovi Poe tungkol sa pinag-uusapang paglayas niya sa Kapuso Network.

Wala pa rin siyang malinaw na sinasabi. Basta hindi pa raw ngayon ang tamang panahon para pag-usapan ‘yun. Sasabihin din daw nila.

Anyway, hindi na binura ang isang eksena kung saan  lumabas na may ‘ginagawa’ sila nang isa pang kapareha niyang si Ahron Villena sa The Bride and the Lover. Kuwento ni Lovi grabe ang naging motivation ni Direk Joel Lamangan kaya hindi niya napigilang maiyak after the scene at naramdamang parang violated ang pagka­babae niya. After the take napasigaw siya ng “delete” at hindi niya kayang mag-dubbing para sa nasabing eksena.

Pero ‘yun nga, hindi naman na-delete.

Hindi naman nagtagal ang nararamdaman niyang sama ng loob sa ginawa niyang eksena dahil after a while, okay na uli siya.

The Bride… inabot ng walong buwan bago natapos

Walong buwan din palang inabot ang shooting ng The Bride and The Lover. Hindi agad-nagkatugma-tugma ang kanilang mga schedule kaya natagalan bago natapos ang pelikula kung saan totohanan ang ginawa nilang awayan.

Nagkasuntukan at nagsipaan sina Lovi and Jennylyn dahil sa kagustuhan ng director nilang si Lamangan dahil sa pag-aagawan nila sa character ni Paulo.

“Sabi kasi ni Direk gusto niya totoo. Kaya ginawa na namin ‘yung catfight. Kasi kung hindi mas tatagal, baka mas lalong magkasakitan kami,” katuwiran ni Jennylyn.

“Trabaho lang talaga. Naalala ko ’yung pagsipa sa akin ni Jen, pagharap ko sa kanya, iba ang reaksiyon niya. Oh, my God! Siya mismo nagulat! Hahaha! Wala. It was really, really fun. Isa ito sa paborito kong eksena at ang tagal naming ginawa. Catfight talaga! It’s really unbelievable. Kumbaga, may moment siguro na habang tumatawa ka, umiiyak ka at the same time.

“Pero kami ni Jen, while we’re doing this scene, we knew naman na it’s just work and after nun nag-hug na lang kami. So ’yun. It was good,” katuwiran naman ni Lovi.

Base sa trailer patalbugan sila sa mga eksena nila. Pero mas sexy daw talaga si Lovi sa mga ginawa nito.

Sa totoong buhay ba makikipag-away sila para sa minamahal na lalaki?

“Wala. Tahimik lang ako para mas mahirap sa kanya. Hahaha! Dedma. So parang mas mahirap ’yon,” sagot ni Lovi.

 â€œAko hindi. Hahayaan ko na lang siya. Puwede mo naman siyang iwan,” sabi rin ni Jennylyn.

Direk Wenn at DJ tinuldukan na ang pagkakaibigan

Tinuldukan na pala nina Direk Wenn Deramas at DJ Durano ang kanilang  friendship.

Alam sa showbiz ang kanilang pagiging malapit na kaibigan dahil walang pelikula si Direk Wenn na hindi kasama si DJ.

Last February pa raw nag-desisyong maghiwalay ang magkaibigan.

Tanong nila, paano na ang acting career ni DJ?

Actress todo-long sleeves kahit kainit-init ng panahon

Kahit kainitan at summer na summer ang panahon, naka-long sleeves ang isang actress nang humarap sa presscon.

As in ikaw na ang iinitan sa suot ng actress at parang sasabihin mong kalokah siya.

Kung itinatago man niya ang taba niya, may ibang paraan naman.

Ang suggestion ng isa kong friend, magsuot siya ng Spanx, isang brand ng girdle na sobrang nagpapayat oras na gamitin mo as in parang ma­gic.

Kesa nga naman daw ‘yung naka-long sleeves ka na eh naka-turtle neck ka pa.

Sobrang init kaya, parang pugon.

 

JENNYLYN LOVI LUIS NAMAN NILA NIYA PERO WALA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with